Friday , November 15 2024

Makupad na aksyon sa DQ vs Erap kinondena

SUMUGOD ang mga residente ng Maynila sa harap ng Korte Suprema kahapon para kondenahin ang mabagal na desisyon sa disqualification case na isinampa laban sa noo’y napatalsik na Pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Ayon kay Beth Dela Cruz, tagapagsalita ng grupong Kaisa sa Mabuting Pamamahala (KMP), noong Enero  2013 pa bago mag-eleksiyon nang isampa ni Atty. Alice Vidal ang disqualification case laban kay Erap, ngunit magdadalawang taon na ay wala pa ring ibinababang desisyon ang Korte Suprema.

Batay sa isinampang disqualification case ni Atty. Vidal, naniniwala ang abogado hindi na maaaring tumakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno si Estrada makaraan siyang mahatulan ng korte ng habangbuhay na pagkakakulong dahil sa pandarambong.

Matatandaan, nakalaya lamang si Estrada noon dahil sa ipinagkaloob na pardon o executive clemency ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Napakahalaga sa mga taga-Maynila na matuldukan ang usapin kung sino ba talaga ang tunay na Mayor ng Maynila, batay sa isinasaad ng Saligang Batas,” ayon kay dela Cruz.

Laking pagtataka ng grupo kung bakit hanggang ngayon wala pa ring desisyon ang Korte Suprema na pinamumunuan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sa disqualification case ni Erap, gayong nagawa na nilang magdesisyon sa iba pang kasabay na kaso na may kaparehong reklamo.

Isa na rito ay ang disqualification case nina ex-convict former Congressman Romeo Jalosjos, Mayor Gamal Hayudini ng Tawi Tawi, Mayor Rommel Amadol ng Lanao del Norte. Ang mga kasong ito, naresolba na ng Korte Suprema.

“Kung si Erap talaga ang tunay na Mayor ng Maynila, magdesisyon na sila. Dahil habang pinatutulog nila ang kaso, nagdududa kami na baka may bayarang nangyayari at baka abutin pa ito ng susunod na eleksyon,” saad pa ni Dela Cruz.

Naniniwala ang grupo na dapat ng magdesisyon ang SC sa kaso ni Erap lalo na at tapos na ang 30 days na ibinigay ng korte para sumagot sa petisyon ni Atty. Vidal.

Humihingi rin ng paglilinaw ang grupong KMP kay Chief Justice Sereno at sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore O. Te kung tunay bang isa sa kamag-anak niya ay opisyal ng Manila City Hall.

“Dapat ding ipaliwanag nina Chief Justice Sereno at Atty. Te kung bakit nakikita ang tagapagsalita ng SC sa bahay ni Erap sa San Juan? Nababahala kami na baka maimpluwensyahan ang desisyon ng Supreme Court,” giit pa ni Dela Cruz.

Bong Son

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *