Kinalap ni Tracy Cabrera
HANGGANG may mga sikat, patuloy ang mga kuwento ng kanilang luho at sinasabing extravagant life style. Dangan nga lang ang karamihan sa mga kuwentong ito ay mga urban legend lamang, ngunit mayroon din namang totoo.
Narito ang ilan sa mga luho ng mga sikat na maaaring hindi n’yo alam pero ngayo’y kamamanghaan . . .
US$276,000 DINOSAUR SKULL NI NICOLAS CAGE
Ayon sa The Telegraph, nilisan ng Oscar-winning actor Nicolas Cage ang 2007 auction bilang winner ng isang Tyrannosaurus bataar skull. Tinalo niya sa bidding ang kasamang actor na si Leonardo DiCaprio, ngunit ang karangalan ay lubhang napakamahal din para mabawasan ang yaman ni Nicolas ng US$276,000.
Noong 2013, ini-report ng U.K. newspaper na maaaring ninakaw ang 67-milyon-taon-gulang na relic. Ang source ng bungo ay isang Eric Prokopi, isang smuggler na umamin sa salang conspiracy at transportation of goods na na-convert at nakuha sa panloloko, ayon sa Associated Press. Hindi pa malaman kung mananatiling may-ari pa rin si Nicolas ng dambuhalang fossil o hindi.
US$33,000 IPHONE NI POSH SPICE
Noong 2011, hindi nababali ang iPhone kung isisilid sa bulsa sa likod ng pantalon. Isa itong matibay na aparato na ginawa para magtagal, at nagkaroon nga ng popularidad sanhi ng durability nito.
Ito ang panahon din na nagpagawa ang fashion designer na si Victoria ‘Posh Spice’ Beckham ng isang iPhone na binuo mula sa 150 gramo ng 24 karat na ginto. Ayon sa Us magazine, gumugol si Victoria ng US33,000 para rito. Umaasa naman na mayroon din itong larong ‘Candy Crush’ para masulit sa gamit.
(Bukas . . . Luho nina Paris Hilton at Charlize Theron)