Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, work muna ang focus at saka na raw ang love

ni Roldan Castro

102914 jm de guzman

NAKAKUWENTUHAN namin si JM De Guzman sa taping ng Hawak-Kamay ng ABS-CBN 2. Kinuha namin ang reaksiyon niya sa kuwento ni Joross Gamboa na maraming naghihintay sa kanya na maging kapalit ni Jessy Mendiola. May isang actress nga na nagtapat na super crush niya si JM.

“Sino ‘yun?,” bungad niyang reaksyon.

“Ang guwapo-guwapo ko naman,” tumatawa niyang pahayag. ”GGSS? (Gandang-ganda sa sarili) Niloloko lang ako niyon, si Joross pa?Nagti-trip lang ‘yun. He!he!he,” sey pa niya.

Ano ang feeling na pinagnanasaan siya at may naghihintay sa kanya na sana ay mapansin siya?

“Wala yatang ganoon. Kung mayroon man, eh, ‘di ano..speechless ako. He!he!he!,” pakli pa ng binata.

Ready na ba siyang magmahal ulit?

“Oo naman. Pero , priorities ko siyemepre magtrabaho po ulit, ma-gain ‘yung trust ng ABS-CBN ulit sa akin na sana mas mabigyan nila ako ng contract to work with them,” seryoso niyang tugon.

Kumusta na sila ni Jessy?

“’Pag nag-uusap kami ano na lang eh magkaibigan na natatawa sa mga nangyari rati, ayun parang parehas naman kami na looking forward na maging mas good friends,” aniya.

Gagawa ba siya ng way na makipagbalikan kay Jessy?

“Wala naman po akong isinara o wala akong parang…wala naman po akong sinasabi na ‘Tapos na.’ Bahala na, sa ngayon ang naisip ko lang career ko po,” bulalas niya.

Anyway, happy naman siya sa exposure niya sa Hawak-Kamay bilang half brother ni Piolo Pascual. Halos everyday daw sila nagti-taping ngayon at masaya naman ang buong set.

First time niyang makatrabaho si Papa P, kumusta?

“Nakaka-star struck pa rin siya eh. Sobrang ‘yung feeling iba eh kasi parang si Piolo kasi kaeksena ko, ‘yung scenes pa namin hindi rin naman magagaan, mabibigat so masaya at nakakataba ng puso na nabigyan ako ng chance na makatrabaho siya,” deklara niya.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …