Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra kontra NLEX

080914 PBA

IPAGPAPATULOY ng Barangay Ginebra ang pananalasa at susungkitin ang ikatlong sunod na panalo kontra NLEX sa kanilang pagkikita sa PBA Philippine Cup mamayang 7 pm sa Smart Arantea Coliseum sa Quezon City.

Ikalawang panalo naman sa tatlong laro ang pakay ng Rain or Shine at Kia Sorentos na magtutuos sa ganap na 4:15 pm.

Pambato ng Gin Kings ang twin tower combination nina Japeth Aguilar at Gregory Slaughter na siyang naging susi sa magkasunod na tagumpay kontra Talk N Text (101-81) at Kia (87-75).

Laban sa Tropang Texters, si Aguilar ay nagtala ng 18 puntos at 18 rebounds bukod pa sa limang blocked shots at dalawang assists. Kontra Sorento, siya ay gumawa ng 16 puntos, 12 rebounds, tatlong blocked shots at isang assist. Dahil dito, si Aguilar ay nahirang na kauna-unahang Accel-PBA Press Corps Player of the Week ng season.

Si Slaughter ay nagtala ng 16 puntos, 12 rebounds at dalawang blocked shots laban sa Talk N Text at pagkatapos ay gumawa ng 16 puntos, 11 rebounds, tatlong assists at isang blocked shot laban sa Kia.

Makakatulong nina Aguilar at Slaughter sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Mac Baracael at Chris Ellis.

Ang NLEX ay nagwagi kontra Globalport, 101-96 pero tinambakan ng Talk N Text, 103-81.

Main man ng NLEX ang team captain na si Paul Asi Taulava, ang pinakamatandang manlalaro sa liga. Sa kabila nito, siya ay naging miyembro ng Mythical Five noong nakaraang season at nahirang na Comeback Player of the year ng PBA Press Corps.

Siya ay susuportahan nina Mark Cardona, Nino Canaleta, Aldrech Ramos at Wynne Arboleda.

Ang Rain Or Shine at Kia ay kapwa may 1-1 records.

Ang Elasto Painters ay nakabawi sa 87-79 pagkatalo sa San Miguel Beer nang daigin nila ang Blackwater Elite, 82-75. Ang Kia ay nagwagi kontra Blackwater Elite, 80-66 bago natalo sa Gin Kings.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …