Monday , November 18 2024

Fresnedi tutok sa K12

MALAKI ang maitutulong ng pakikipagtulungan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa Department of Education (DepEd) upang maisulong ang K+12 program para sa mga estudyante ng lungsod.

Sa pamamagitan ng itinatag na Senior High School Task Force ng DepEd at ng administrasyon ni Fresnedi, mas mapaghahandaan ang pagdagsa ng enrollees sa secondary schools na madaragdagan na rin ang senior high school sa susunod na mga school year.

Base kasi sa ginawang pag-aaral ng DepEd, mahihirapan sila sa pagdagsa ng mga grade 11 to 12 sa 2016 dahil na rin sa pagdami ng bilang ng mga mag-aaral na gustong makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Dahil dito, nakipagtulungan ang naturang tanggapan sa administrasyon ni Fresnedi upang agad mabigyan ng solusyon na binigyan naman ng pansin ng alkalde upang hindi mahirapan ang mga dadagsang estudyante.

Isa sa nakikitang solusyon ni Fresnedi ang pagtatayo ng classrooms na magagamit ng mga dadagsang enrollees ng senior high schools sa public schools bukod pa sa pagdagdag ng mga guro.

Bukod dito, magkakaroon din ng general appropriation act ang lokal na pamahalaan upang mabigyan ng atensiyon ang posibilidad na paglipat ng mga estudyante mula sa private papunta sa public schools.

Sinabi ng alkalde na makaaasa ang mga Muntinlupeño na matutulungan sila ng lokal na pamahalaan sa pagkamit ng kanilang inaasam na diploma sa pag-aaral na magagamit nila sa kanilang kinabukasan.

Bukod kay Fresnedi, kabilang sa mga naitalagang tagapangasiwa ng Senior High School Task Force sina Priscilla De Sagun, Nerissa Lomeda, Phoebe Arroyo, Dr. Florante Marmeto, Gina Urquia, Congressman Rodolfo Biazon, Councilor Stephanie Teves, Glenda Aniñon, Gary Llamas, Elvie Quiazon at Noli Chua.

Ang ganitong mga hakbang ng isang lungsod ay matatawag nating may pagmamalasakit dahil ang kinabukasan ng kanilang mga kababayan ang kanilang pinag-iisipan kung paano mabibigyan ng magandang bukas.

Saludo kami sa hakbang ni Fresnedi at iba pang indibidwal na katuwang sa proyektong ito, sana ay gawin itong ehemplo ng iba pang lungsod at munisipalidad hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *