Hindi nag-iisa si Angeline Quinto sa mga celebrity natin na mahina pagdating sa pagsasalita ng English. Saka hindi naman isang krimen kung hindi ka articulate sa English ‘no! Ang importante ay kung ano ang narating mo sa buhay at wala kang tinatapakang kapwa. Gaya ni Angeline na mahina nga pagdating sa English pero mayaman naman at mayroong magandang career sa showbiz. Saka cute naman ang dating ni Angie (palayaw ng singer) kapag mali-mali siya at mas nakatatawa pa nga siyang panoorin. Meron ngang iba d’yan ang galing-galing mag-talk ng language ni Uncle Sam pero anong nangyari sa buhay waley (wala) kasi naging pasaway sa career. Hello? Ikaw ba ‘to Mo Twister. By the way, palabas na pala today sa mga sinehan ang comedy movie ni Angeline na “Beauty In A Bottle” kasama sina Angelica Panganiban at Assunta de Rossi. Tungkol sa insecurities ng tatlong babae sa kanilang beauty ang tema ng pelikula. This is directed by Antoinette Jadaone from Quantum and Skylight Films. I will watch this very funny movie gyud!
ni Peter Ledesma