July 30, 1979 nang ipanganak ang Eat Bulaga sa RPN 9. Tumagal ng mahabang panahon sa nasabing TV station ang noontime variety show, kasama sina Joey de Leon at magkapatid na Bossing Vic Sotto at Sen. Tito Sotto. Siyempre pa rin ng mga unang taon ng Bulaga sina Coney Reyes Mumar, Chiqui Hollman-Yulo atbp. Nang lumipat ang programa sa ABS-CBN hanggang napunta sila sa GMA 7 ay sinundan pa rin sila ng milyon-milyon nilang televiewers at hanggang ngayon ay hindi sila pinagsasawaang panoorin ng mga Dabarkads. Sa layo na ng narating ng Bulaga maituturing na itong history sa mundo ng telebisyon at konting panahon na lang at baka maisama na sila sa mahabang listahan ng Guiness Book of World Records. Maraming sikat na artista at singer ngayon na produkto ng Eat Bulaga at kabilang na riyan sina Aiza Seguerra, Jessa Zaragoza, Pauleen Luna, Gladys Guevarra Michael V, Gracia, Sexbomb Dancers, Aleng Maliit Ryzza Mae and many more. Ngayon bilang bahagi ng kanilang selebrasyon at pasasalamat na rin sa lahat araw-araw ay Pasko sa Bulaga. Yes milyon-milyong papremyo ang ipinamimigay nila sa Laban O Bawi at tuloy-tuloy rin ang pagbibigay nila ng sangkatutak na biyaya sa Sugod-Bahay sa Barangay. Tunay ngang nananatiling matatag ang programa tulad ng hanggang ngayon ay sikat na trio — sina Tito, Vic and Joey.
ni Peter Ledesma