NAGLAGAK ng pyansa sa Sandiganbayan third division si dating Makati mayor Elenita Binay.
Ayon sa clerk of court, ang naturang piyansa ay ukol sa kinakaharap na kasong katiwalian ni Binay noong siya pa ang alkalde ng lungsod.
Nag-ugat iyon sa sinasabing overpriced Ospital ng Makati project.
Umaabot sa P70,000 ang binayaran ng kampo ni Dra. Binay bilang bail bond.
Layunin ng paglagak ng nasabing halaga na makapagbiyahe ang dating opisyal sa labas ng bansa upang makapagpatingin sa mga eksperto ukol sa kanyang karamdaman.