Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Demoniño (IKA-23 labas)

00 demoniño

MAY BAGONG YAYA NA SI TONY BOY, ISANG MADASALING PROBINSIYANA PERO MAY IKINAGULAT SI EDNA

“Hay, naku, Ma’m… pagkakita po sa inyo kanina, e biglang humagibis ng takbong papasok sa kanyang kuwarto,” anang kusinera na napakamot sa ulo.

Bunga niyon ay lalong tumibay ang paniniwala ni Edna na totoo ngang nangingilag sa kanya ang batang lalaki.

Pagbalik nga ng dalagang guro sa bahay ng mag-asawang Karl at Shane para mag-tutor kay Tony Boy ay isang bagong mukha ang nagbukas sa kanya ng pintuan sa sala ng kabahayan. Nasa dalawampu o dalawampu’t lima ang edad nito. ‘Di hamak na mas maganda at seksi ito kay Bebang. At may maamong mukha na angkop ang kawikaang “’di makabasag pinggan.”

“Fatima” ang pangalan ng bagong yaya-katulong sa tahanang iyon. Pamangkin ng kusinera na kung tawagin ng mag-asawang Karl at Shane ay “Manang.” Kapansin-pansin ang malaking krusipihong nakakuwintas sa leeg niya. At sa tingin ni Edna ay isang madasalin.

Tama ang hula niya. Sa ilang minutong pakikipagkuwentuhan ni Edna kay Manang ay nalaman niyang taong-simbahan si Fatima na galing sa probinsiya. Tapos ng high school ang pamangkin niya pero hindi nakatuntong sa kolehiyo dala ng kahirapan. Pero ipinagmalaki sa kanya na “matalino at masipag” ang bagong yaya ni Tony Boy.

Ipinagtimpla siya ng kape ni Fatima. Idinulot iyon sa kanya sa sala. At habang nagkakape siya roon ay sinundo naman ang batang ampon sa ikalawang palapag ng bahay. Dinahan-dahan niya ang paghigop sa mainit na kape. At inihanda na niya ang lesson plan na kanyang inihanda para sa batang tinuturuan.

Napaangat ang mukha ni Edna kay Shane na kabuntot ang yaya-kasambahay sa pagpanaog ng hagdanan. Wala ang batang lalaki na kanyang hinihintay.

“Ayaw nang magpa-tutor ni Tony Boy,” ang tahasang pahayag ni Shane na mag-isang nagtungo sa study room ng batang ampon na kinaroroonan ng dalagang guro.

“Ha?!… B-bakit?” bulalas ni Edna.

“Sabi ng anak ko, e, masyado kang masungit …At ‘pag nainis o nagalit ka raw ay pinipingot mo ang tenga niya,” ang akusasyon sa kanya ng nanay-nanayan ng batang ampon.

(Itutuloy

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …