NAPILITANG mag-emergency landing ang sinasakyang chopper ni Vice President Jejomar Binay sa Atimonan, Quezon.
Ayon sa kampo ni Binay, walang naging problema sa chopper ngunit biglang sumama ang lagay ng panahon.
Bunsod nito, minabuti na lamang ng piloto na bumaba at umiwas sa makapal na ulap at malakas na ulan upang huwag silang malagay sa alanganin.
Walang nasaktan sa pag-emergency landing ng sasakyang panghimpapawid.
Si Binay ay nasa Southern Luzon para sa ilang event na kanyang dinaluhan para sa Boy Scout of the Philippines (BSP).