SWAK sa kulungan ang isang 23-anyos trabahador ng bagoongan nang ireklamo ng panggagahasa sa 14-anyos anak na dalagita ng kanyang amo kamakalawa ng gabi sa Navotas City.
Himas-rehas ang suspek na kinilalang si Rommel Caviero, residente ng Pabahay ni Mayor, Brgy. Tanza ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse), nakapiit sa detention cell ng Navotas Police.
Batay sa ulat ni PO2 Jenny-Lyn Manabat, ng Women and Children Protection Desk ng Navotas Police, dakong 11 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa Cruz St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod.
Habang walang kasama ang biktimang si ‘Marie’ nang pumasok sa kanilang bahay ang suspek.
Dahil kakilala ay hinayaan lamang ng biktima si Caviero ngunit nagulat na lamang siya nang bigla siyang yakapin ng suspek at siya’y pinagsamantalahan.
Rommel Sales