Friday , December 27 2024

Unfair labor practices ng Jolly-b Box Express Line Inc. (Attn: DOLE-NLRC)

Dear  Mr. Yap,

Sumulat po kami sa inyo sa paniwalang matutulungan ninyo kami sa dahilang kayo ay kasapi ng National Press Club of the Philippines (NPC) na may koneksyon sa mga diyaryo, radio at television.

Kami po ay pinagtatatanggal o napilitang mangagsipag-resign sa trabaho na mga regular employee na karamihan ay mga driver at pahinante ng Jolly-B Box Express Line, Inc., na may opisina sa Chattam House Building, Makati City. Ang negosyo ng aming kompanya ay import-export at door-to-door delivery o forwarding.

Kami ay mahigit limang (5) taon na sa trabaho subali’t nitong January 2014, pinapirma kami sa bagong kontrata kung saan lumalabas na hindi na kami itinuturing na mga regular employee na tumatanggap ng aming dating daily wage o salary kung hindi mga contractual employee na lamang na sixty pesos (P60.00) – forty pesos (P40) per piece rate na ang matatanggap na “sweldo.”

Ibig sabihin, bilang mga driver at pahinante, kailangan namin makapagsakay o makapagkarga sa aming six (6) wheeler cargo truck with closed container nang ‘di bababa sa sampung (10) boxes ng mga kargamento bawa’t biyahe upang mabayaran kami na mga driver ng halagang P60.00 bawa’t box at P40.00 naman bawa’t box para sa pahinante. Kapag nangyari na mas mababa sa quota  na 10 boxes  ang maisakay o maikarga namin, forty pesos (P40.00) – thrity pesos (P30.00) na ang magiging bayaran; P40.00 para sa driver at P30.00 sa pahinante.

Bukod sa pagod na ang driver sa pagbubuhat at pagsasakay ng mga kargamento bago pa bumiyahe, obligado kami na maihatid nang ligtas sa tamang oras sa destinasyon ang nasabing mga bagahe kahit abutin pa kami ng hanggang apat (4) na araw sa paged-deliver, ang P60-P40 o P40-P30 per piece rate na ang basehan ng matatanggap naming “sweldo” mula sa kompanya at hindi na tulad ng dati na arawan ang kwentada ng aming sahod.

Para sa inyo pong kaalaman, wala rin kaming natatanggap na overtime pay mula sa kompanya kahit pa mahigit walong (8) oras ang aming pagtatrabaho o kahit pa pumapasok kami ng holiday o pista opisyal.

Hindi rin kami binabayaran ng kompanya ng night differential pay kahit pa abutin kami ng magdamag at kung ilang gabi sa pagbibiyahe namin at wala rin kaming hazard pay. Bagama’t may one hundred twenty pesos (P120.00) naman na meal allowance na ibinibigay sa amin ang kompanya, ni minsan ay hindi kami binigyan ng allowance para sa “lodging” kapag bumibiyahe kami ng kung ilang araw at gabi sa malalayong probinsya kung kaya kadalasan at karaniwan na sa sasakyan namin o sa parke o plaza na lamang kami natutulog, dumudumi at naliligo.

Ito na po ang bagong “sistema” na ipinapatupad ngayon sa aming kompanya nina vice president Helen Benitez, Operations Manager Amelia Madrid at Accounting and Administration Officer Amie Gumilet.

Batid naming malaking paglabag sa batas-paggawa ang ginagawang ito nina Benitez, Madrid at Gumilet subali’t wala po kaming magawa.

Sana po, mapagkalooban ninyo kami ng abogado at mailathala rin ninyo ang kalunus-lunos na kalagayan namin ito.

Tulungan po ninyo kami!

Umaasa sa inyong agarang pagtulong at gumagalang,

(Pakiusap po namin na pansamantala, huwag ninyo na muna sanang banggitin ang aming mga pangalan sa inyong kolum sa diyaryo. Salamat po!)

Sa management ng Jolly-B Box Express Line Inc., bukas po ang aming kolum sa inyong paliwanag sa isyung ito!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *