Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TnT vs Alaska sa Araneta

080914 PBA

HIHIRIT ng ikalawang sunod na panalo ang Alaska Milk at Meralco kontra magkahiwalay na kalaban sa PBA Philippine Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Makakasagupa ng Aces ang Talk N Text sa ganap na 7 pm matapos ang 4:15 bakbakan ng Bolts at Blackwater Elite.

Tinambakan ng Alaska Milk ang defending champion Purefoods Star, 93-73 noong Biyernes gamit ang matinding running game.

Sa kabila ng panalo ay sinabi ni Alaska Milk coach Alex Compton na hindi dapat magkumpiyansa ang Aces kontra sa Tropang Texters na ngayon ay hawak ni coach Joseph Uichico.

Ang Tropang Texters ay nakabangon buhat sa 101-81 kabiguang sinapit sa Barangay Ginebra noong opening day nang tambakan ang NLEX, 103-81 noong Biyernes.

Kontra Purefoods, ang Alaska Milk ay nakakuha ng 21 puntos buhat kay Calvin Abueva na nangakong babawi sa masagwang performance noong nakaraang season.

Siya ay tinulungan nina Vic Manuel at RJ Jazul na kapwa nagtala ng 11 puntos.

Sumasandig din si Compton sa mga tulad nina  Sonny Thoss, Cyrus Baguio, JVee Casio at Dondon Hontiveros.

Matapos mabokya laban sa Gin Kings, nagtala ng 19 puntos si Jay Washington laban sa NLEX. Siya ay tinulungan nina Kelly Williams (18 puntos), Jayson Castro (15) at rookies Matthew Ganuelas Rosser (13).

Ang Meralco, na ngayon ay hawak ni coach Norman Black, ay dumaan sa dalawang overtime periods bago napayuko ang Barako Bull, 112-108.

Ang Bolts ay pinangunahan ni Reynell Hugnatan na nagtala ng 28 puntos. Nag-ambag ng 14 si Sean Anthony, 13 si John Wilson at tig-10 sina  Simon Atkins, Cliff Hodge at John Ferriols.

Umaasa naman si Blackwater coach Leo Isaac na kahit paano ay natuto na ang kanyang mga manlalaro sa masaklap na nangyari sa kanilang unang dalawang laro kung saan lumamang sila ng malaki subalit hindi napanatili ito hanggang sa dulo.

Ang Elite ay may 0-2 karta matapos na matalo sa  Kia (80-66) at Rain or Shine 82-75).

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …