Wednesday , December 25 2024

Manila Hall of Justice, itatayo na?!

Social development is not instantaneous. It is the fruit of years of hard-work devoted to crafting fine-tuned policies and pushing for much- needed reforms coupled with passion in public service and a strong will to reject temptations and mediocrity. –Win Gatchalian

ABA, mga kabarangay, matutuloy na rin pala ang pagtatayo ng sariling Hall of Justice ng Maynila. Tiniyak ito ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa isang kombensyon ng mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Greater Manila area convention, kamakailan.

Matagal na itong inaawitan ng mga judges at prosecutors, pero mukhang ngayon lamang maisasakatuparan ang matagal nang pangarap ng mga miyembro ng hudikatura ng Maynila.

***

ANG pagkakaalam ko, tanging ang Lungsod ng Maynila na lamang ang walang natatanging Hall of Justice building na matatawag na hiwalay sa gusali ng city hall.

Sabagay napapanahon na nga magkaroon ng sariling “bahay” ang mga huwes at piskal, dekadente na ang kinalalagyan nila ngayon, napakaliit at napakarumi. Hindi na akma upang pagdausan pa ng pagdinig sa mga kaso.

***

AT ang good news, sabi ni Chief Justice Sereno maaring masimulan ang kontruksyon ng Manila Hall of Justice ngayong taon. Itatayo ito sa lumang gusali ng GSIS na nasa Natividad Lopez, malapit sa Manila City hall.

May nakalaang pondo na rito na umaabot sa P200M at sa tingin ko ay sapat na ito upang magawan ng sariling pamamahay ang mga huwes at piskal ng Maynila.

Congrats sa inyong lahat!

All system go sa Manila North & South Cemetery

HANDANG-HANDA na ang dalawang pangunahing sementeryo sa Maynila para sa nalalapit na Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1.

Kompleto sa mga first aid kit ang dalawang sementeryo lalo na ang South Cemetery para sa mga magpupunta rito. Nariyan ang mga gamot para sa mga nahihilo, wheelchairs para sa mga matatanda na nahihirapan maglakad, mineral water, charging station at iba pa.

***

IPINIPREPARA ito ng tanggapan ng Office of the Vice Mayor (OVM) para sa mga dadalaw sa sementeryo para sa anumang sakuna na maaaring maganap sa pagpasok ng Undas.

Gumawa na rin ng sistematikong ruta at listahan ng mga nakalibing upang hindi na mahirapan pang maghanap ang mga kaanak kung nasaan nakalibing ang kanilang patay.

Ayos, ‘yan mga kabarangay!

***

IPINAGBAWAL na rin ng MDTEU ni Major Olive Sagaysay at MTPB officer in charge Don Carter Logica simula sa Huwebes (October 30) ang pagpasok ng anumang uri ng pribadong sasakyan sa loob ng sementeryo upang maiwasan ang pagsisikip dito. May ilalabas na traffic re-routing sa mga susunod na araw ang city hall.

O, mga kabarangay, hanggang maaga ay may abiso na rin ang Manila North & South Cemetery na gaya nang dati ay mahigpit na ipinagbabawal ang matatalim na bagay, gunting, kutsilyo, radyo, speakers at iba pang nakabubulabog sa loob ng sementeryo. Gawin po natin sagrado ang pagdalaw natin sa mga namayapa natin mga mahal sa buhay.

Respeto na rin natin sa kanila!

REAKSYON ng mga avid readers natin sa isyu ng pork barrel at iba pa:

Dapat noon pa ipinasa ang abolisyon sa pork barrel

Che, dpat po tlga, inaprubahan na ang 2 bill na ito mayor Lim sa senado, ‘di sna wla ng na2kaw ang mga magna2kaw ng politico sa kaban ng bayan. —Mel ng Sampaloc

Maling kultura sa politika

Si myor lim lang ang nakaisip ng abolisyon ng pork barrel at anti political dynasty noong sya ang senador, palibhasa si mayor lim lang ang matininbg senador noon, ang ibang senado rkasi ay takot mawalan ng mana2kaw para maipamana naman nila sa kanilang mga anak ang kultura ng pera-pera sa politika. Mabuhay si Mayor Lim! —091733521+++

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *