GUSTONG-GUSTO talaga naming kausap ang alaga ni Erickson Raymundo na si Kit Thompson dahil hindi showbiz at may pagka-taklesa kaya siguro bihira siya ipa-interview.
Tulad sa tanong namin kung hanggang kailan eere ang Forevermore na nag-umpisa na kagabi kapalit ng Ikaw Lamang ay mabilis niyang sinabing, “hanggang April po”, eh, hindi naman alam pa kung hanggang kailan ito.
Kaya ang mga kasamahan niya sa serye ay nagulat at sabay-sabay nagsabing, “buti ka pa alam mo, bakit kami hindi namin alam.”
Halatang inosente si Kit at sabay sabing, “ay hindi ba puwedeng sabihin? Kasi nakita ko sa kontrata ko ‘til April, eh. Mali ba ako?”
Anyway, masusubukan ulit ang galing ng binatilyong aktor sa pag-arte dahil kontrabida ang papel niya sa Forevermore na pagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Napanood na si Kit sa seryeng Kahit Puso’y Masugatan bilang kapatid ni Iza Calzado at sa Galema ni Andi Eigenmann.
Sabi ni Kit, “new character, a different side of me here (‘Forevermore’) compared to ‘Galema’. I’m playing the role of a young entrepreneur, I studied digital brand management sa US, I went to the Philippines because my brother in law, tatay ni Enrique ng ex-wife niya. Roon pa lang may conflict na sa recent wife niya (nanay ni Enrique).
“Ako po ‘yung tutulong sa business ng tatay ni Enrique, magpapalago at magpapayaman sa kanila.”
Bagamat pressured daw silang cast ng Forevermore ay, “I believe in both of them (Enrique at Liza Soberano team up). It seems all the veteran actors here are all good and serious, maski si direk (Cathy Garcia-Molina), gusto niya maganda kaya ilang ulit tine-take kasi gusto niya maganda at lahat kami iyon din ang gusto.”
Samantala, natanong si Kit tungkol sa kinasangkutan niya kamakailan kasama ang grupo ng kabataan na nanood ng rock concert sa Angeles City, Pampanga.
“I believe naman that we all humans, we make mistakes, we go something but in the end, you learned from it and that’s how you get better in life, I guess,” paliwanag ng aktor.
Wala na raw komunikasyon si Kit sa mga nakasama niya rati.
“No, because my route is condo, Pampanga, I’m into home school now, friends ko now ‘yung friends ko sa Pampanga, mga ka-subdivision ko now, whom I grew up with. My friends here, sila-sila lang mga kasama ko sa trabaho,” say niya.
Aminadong naging mapili na sa mga kaibigang sasamahan ngayon si Kit.
“Opo, at saka hindi rin naman ako masyadong lumalabas, mas maganda na rin na I’m very much focus now of what I’m doing and ‘yun po, I just hope to goes up from here,” napangiting sabi ni Kit.
May natutuhan si Kit sa nangyari sa kanya, “I just learned to balance everything of what I’m doing, make wise decisions, think about it over and over again. I don’t get myself like what I used to do before. I was like a lost kid here in Manila, like trying to find my way, trying to find friends, trying to make everyone happy. But it’s wrong, I should make myself happy.”
May sinisisi ba si Kit sa pangyayari, “I can’t say na mali, like I said, we’re all human, fairshare mistakes, we do all same thing, there’s no one to blame, honestly.”
Sa edad na 17 ay matured kausap si Kit bukod pa sa malaki siyang tao kaya tuloy maraming nag-aakalang nasa tamang edad na siya.
Hiningan ng opinyon ang binatilyo tungkol sa isyung dapat gawing legal ang Marijuana sa Pilipinas lalo’t nakagagamot pala ito sa sakit na cancer.
“Well, in the US in Colorado (Denver), it’s cure cancer daw according to studies. It’s up to the country naman like who am I to say legalized this or legalized that.
“Ako personally, there’s nothing wrong, ‘coz cigarettes can kill you more and drinking kills you more and alcohol is poisonous and cigarettes also contais nicotine, so it’s like bisyo. Lahat naman ng tao make bisyo, ‘di ba. Everyone has their own outlet, you know,” paliwanag ng batang aktor.
Diretsong tinanong namin ang batang aktor kung naninigarilyo siya.
“Do I smoke? Cigarettes? Sometimes when I’m stress, I do, ha, ha, ha,” pag-amin ng binatatilyo.
Eh, ang pag-inom? “I don’t really like drinking. I like wine, it’s chill, pero hard, no!” mabilis na sagot ng aktor.
At hindi itinanggi ni Kit na minsan sa buhay niya ay nakagamit na rin siya ng marijuana, “oo naman po, I mean, I talk to people, they went to the same stuff too, it’s part of growing up!
“Honestly, hindi naman ibig sabihin (user) na. Like me, my dad is a pilot and he wants me to be a pilot, but I became an artist, hindi naman ibig sabhin ay nagre-rebelde na ako, iba lang ‘yung gusto kong mangyari sa buhay ko.”
ni Reggee Bonoan