Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot tigbak sa resbak ng parak

PATAY ang isang 36-anyos lalaki makaraang barilin ng dating kaalitang kapitbahay na pulis sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Alaska Sanchez, may live-in partner, walang trabaho, at residente ng 235 Honorio Lopez Boulevard, Balut, Tondo sanhi ng tama ng bala sa likod.

Habang agad naaresto ang suspek na si PO1 Riad Fernando, nakatalaga sa NCRPO at nakatira sa 235 H. Lopez Blvd., Tondo, nakapiit na sa Manila Police District Homicide Section

Sa isinumiteng ulat kay MPD-Homicide Section chief, Senior Insp. Steve Casimiro ni PO3 Marlon San Pedro, naganap ang insidente dakong 6 a.m. sa loob ng kwarto ng biktima na katabi lamang ng kwarto ng suspek.

Bigla na lamang pinasok ng suspek ang biktima at pinaputukan sa likod.

Muli pa sanang papuputukan ng suspek ang biktima ngunit dumating ang kapatid ni Sanchez na umawat sa salarin.

Napag-alaman, ang suspek at ang biktima ay may dati nang alitan na nagresulta sa pagkakasuspinde noon sa trabaho ng nasabing pulis.

Madalas din umanong sitahin ng suspek ang biktima dahil sa paggamit ng illegal na droga.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …