Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guard, inmate todas sa jailbreak

102814_FRONTTUGUEGARAO CITY – Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang magkapatid na tumakas at nakapatay ng jail guard at inmate sa provincial jail sa bayan ng Santa Marcela kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Jail Officer 1 Damaso Patan Peru, Jr., at ang inmate na si Huebert Fuerte, habang ang mga nakatakas na bilanggo ay kinilalang ang magkapatid na Marcelino at Felix Dagdagan, residente ng bayan ng Flora, Apayao.

Ang mga pugante ay kapwa may kasong murder.

Sinabi ni S/Supt. Robert Gallardo, director ng Apayao PNP, batay sa kanilang pau-nang pagsisiyasat, pinagtataga sa ulo ng magkapatid ang jail guard nang buksan ang kanilang selda.

Ayon sa opisyal, ina-alam pa nila kung papaano nadamay ang napatay na inmate sa pama-magitan din ng pananaga at pagbaril gamit ang shotgun na nakuha mula sa jail guard.

Sinabi ni Gallardo, nakatakas ang magka-patid dahil mag-isa noon ang jail guard habang nasa labas ang jail warden.

Beth Julian

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …