Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Tips sa marriage troubles

102814 marriage wedding ring

00 fengshuiBAGAMA’T maraming nagpapakasal, marami rin sa mga ito ang humahantong sa hiwalayan.

Kung nahihirapan ka sa buhay may-asawa ngayon, maaaring dahil sa outside factors katulad ng kawalan ng trabaho, o pagkabaon sa utang, o dahil sa personality conflicts o iba pang mga dahilan, narito ang simpleng Feng Shui tips na maaaring makatulong.

Ang unang hakbang ay ang pag-analisa sa relationship trigram ng Ba Gua upang mabatid kung ano ang maipapahayag nito kaugnay sa inyong pagsasama. Ang relationship trigram ay nasa back right corner ng inyong bahay, kung ikaw ay nakaupo sa front door at nakatingin dito.

Kung maraming kalat sa lugar na ito, ibig sabihin ay napababayaan mo ang relasyon pabor sa ibang bagay: mga anak, career, o maaaring sa iyong mga bisyo katulad ng pagsusugal at paglalasing. Kung ganoon, panahon na para i-focus ang iyong panahon sa relasyon upang maisalba ang pagsasama.

Kung ang lugar na ito ay hindi maayos, madilim o walang gaanong liwanag, ganoon din ang resulta sa pagsasama.

Kung ang lugar na ito ay puno ng mga aklat, workout equipment o laruan ng mga bata, maaaring sa iyong pananaw ang relasyon ay hark work, bagay na seryoso, o maaaring hindi mo ito gaanong sineseryoso.

Kapag iyo nang naalisa kung ano ang sinasabi ng marriage trigram sa inyong relasyon, panahon na para sundin ang ilang mga hakbang para maayos ang pagsasama.

*Buhayin ang relationship trigram – Una, ayusin ang bagay na hindi maayos sa eryang ito ng bahay. Alisin ang mga bagay na sa iyong palagay ay wala nang pakinabang. Kung madilim, maglagay ng ilaw. Maaari ring maglagay ng sariwang bulaklak o buhay na halaman.

*Maglagay ng masayang larawan ng pamilya sa relationship trigram o ibang bahagi ng bahay – Ikonsidera ang paglalagay ng larawan ng iyong sarili at ng iyong asawa, kasama ng mga anak sa marriage trigram. Tiyaking nakangiti at masaya kayong lahat sa nasabing larawan.

*Gumawa ng love letter para sa iyong asawa. Nais mo mang ibigay ang sulat na ito o hindi, sa pagsusulat ng mga bagay na iyong nagugustuhan tungkol sa iyong asawa, o sa inyong pagsasasama, iyong ma-aalala kung bakit siya ang iyong pinakasalan, at maitatakda ang iyong puso sa mending cycle.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …