ISANG major milestone sa career ni Ellen Adarna ang pagiging pinakabagong calendar girl ng Ginebra San Miguel para sa 2015 dahil bahagi siya ng mga iconic at mga seksing babae na nag-pose sa legendary at pinakaabangang kalendaryo ng Ginebra San Miguel.
“Sobra po akong Ganado ngayong bahagi na ako ng colorful history ng Ginebra San Miguel,” sambit ni Ellen.
Sinabi naman ni GSMI Vice President at Marketing Manager na si Nelson Elisesang kung bakit si Ellen ang napili nilang 2015 calendar girl. “Si Ellen ay isa sa pinaka-maiinit at seksing young actress sa industry ng pelikula at telebisyon ngayon. Malakas at very loyal ang kanyang fan base, very proud at ganadong-ganado kami to welcome her on board bilang aming 2015 calendar girl.”
In line sa 180th anniversary ng brand, ang tema ng 2015 calendar nito ay Ganado Sa Buhay dahil layunin nitong parangalan ang mga hard working Pinoy na mga kalalakihan na bumubuo sa merkado ng GSM.
ni Maricris Valdez Nicasio