SA galing at husay ni Arnel Pineda bilang isang musician, hindi kataka-takang marami ang sumuporta sa kanya. Isa na rito ang Chief Executive Officer ng SANRE Enterainment na si Mr. Rene Walter.
Sinusuportahan ni Mr. Walter ang itinatag na global competition ni Arnel, ang Asian Music Camp, isang reality show para sa mga singer at musician.
Ang Asian Music Camp ang pinakabago at pinakamalaking Asian music talent competition para sa mga banda. Kailangan lamang magsumite ng raw demo music video ng one cover song at one original songs in English na hindi lalampas ng walong minuto na kabuuan ng dalawang kanta ang mga interesadong sumali. Puwedeng mapanood ang entries at iboto ang magugustuhang band sa www.asianmusiccamp.com.
Ayon kay Arnel, open ang competition para sa lahat kahit ‘yung mga banda na nakapag-record na ng sariling album.
Anito, 50 bands ang unang pipiliin sa pamamagitan ng text votes, at pagkaraan ay pipili sila ng 20, at pagkaraan ay 10. Sa Top 10 naman pipiliin ang Top 5 at sila ang iha-house sa isang compound at mapapanood sila habang gumagawa ng mga kanta ng mga viewer around Asia.
NAKIPAG-RAKRAKAN ang mga top OPM artists na sina Mitoy Yonting, Yeng Constantino, at Arnel Pineda sa katatapos na food at music festival ng kauna-unahang KAINdustriya convention ng Puregold Priceclub Inc., na naganap sa World Trade Center sa Pasay City. Tinarget ng KAINdustriya ang mga miyembro ng HORECA food industry na binubuo ng hotels, restaurants, at cafés gayundin ng mga food-related businesses gaya ng canteens, catering, food stalls, at lokal na mga karinderyas. Nasa ilalim ng Tinadahan Ni Aling Puring (TNAP) program ng Puregold ang KAINdustriya. 11 taon na ang TNAP na sumusuporta ‘di lamang sa mga sari-sari store owners ngunit sa mga prepared food resellers na rin. Itinatag ng Puregold ang KAINdustriya noong 2012 dahil maraming food resellers ang miyembro ng TNAP. Ibig ipahatid ng KAINdustriya na ang TNAP ay ‘di lamang para sa mga sari-sari store owners ngunit sa mga miyembro rin ng food industry sector. Mahigit sa 100,000 libong mga miyembro mula sa food industry sector ang dumalo sa event.
Puwedeng mag-submit ng kanilang raw videos online simula January 1 to March 31, 2015. Tatanggap ng cash, record contract, management contract up to $1-M ang mananalo.
Personal na pamamahalaan ni Arnel kasama ang iba pang music professionals at magkakaroon ng celebrity guests every week ang Asian Music Camp.
Sinabi naman ni Mr. Walter, na maaaring sumali ang lahat ng mga musician mula sa Asian countries. “Initial winners throughout the region will move on to a finals phase where they will compete with the other winners on a televised season of competition and excitement.”
Sa ngayon ay hindi pa nila alam kung saang network ipalalabas ang Asian Music Camp dahil wala pa silang kinakausap na network.
Sinabi pa ni Arnel na ang competition na ito ay isang paraan niya ng pagse-share ng mga blessing na natanggap niya since sa hirap din lang siya nagsimula at nang makasama sa bandang Journey ay nagsunod-sunod na ang pagdating ng maraming blessings.
ni Maricris Valdez Nicasio