NANATILI sa 12.1 milyon ang bilang ng mga pamilyang Filipino na naniniwalang sila ay mahirap.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa nitong Setyembre 26 hanggang 29, katumbas ito ng 55% ng respondents na walang pagbabago kompara sa resulta noong Hunyo, ngunit mas mataas ng 3-percentage points sa 52% na average noong 2013.
Habang mula sa 41% noong second quarter ng 2014, umakyat na sa 43% ng respondents o tinatayang 9.3 milyong pamilya ang nagsabing mahirap sila pagdating sa usapin ng pagkain o food-poor nitong third quarter.
Survey ng SWS inismol ng palasyo
MINALIIT ng Palasyo ang resulta ng Social Weather Station (SWS) na 12.1 milyong pamil-yang Filipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang nasabing SWS survey ay taliwas sa inilabas na datos ng Annual Poverty Indicator Survey (APIS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 2.5 milyong Filipino ang ‘nakawala’ sa kahirapan sa nakalipas na isang taon.
Katwiran ni Lacierda, ang tinanong sa SWS survey ay 1,200 katao lang habang ang APIS survey ay may 10,000 pamilya.
“We just like to note that the survey here was conducted and was—1,200 respondents were asked. The APIS survey I think had a minimum of 10,000 households. So you look at the… We don’t question their methodology, by the way. We are just stating facts that, for instance, on the APIS—the survey that government has conducted—it has a bigger set of respondents. So, it means there is a more drill-down details on the statistics on poverty. So, but again, we note the surveys,” aniya.
Rose Novenario