Thursday , November 14 2024

Signature campaign vs pork barrel sa mga simbahan

INIMULAN na kahapon ang signature campaign laban sa pork barrel sa mga simbahan.

Ito’y tinaguriang ‘An Act Abolishing the Pork Barrel System’ o ‘Batas na Bumubuwag sa Sistema ng Pork Barrel’ na isinusulong ng mga taong-Simbahan.

Inaasahang madaling makalap ang milyon-milyong pirma na kailangan dito para tuluyan nang malusaw ang pinaglalawayang pork barrel ng mga mambabatas at maging ng presidente at bise presidente ng Republika ng Pilipinas.

“Ang pork barrel ay talagang ugat ng korupsyon!”sabi ni dating Senador Alfredo Lim na sa kanyang tatlong taon na panununungkulan bilang Senador ay hindi sya kumuha ng kahit ‘isang hiwa ng baboy.’

Oo, totoong ugat ito ng korupsyon, ng kickbacks!!! Tingnan n’yo ang nangyari kina Senadores Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla. Na-corrupt sila ng Guzman graduate na si Janet Lim-Napoles. Kaya ayon… nasa hawlang bakal sila. Tsk tsk tsk…

Kaya mga ‘igan, pumirma tayo sa signature campaign na ito ng Simbahan laban sa kababuyan ng ating mga mambabatas. Go! go! go!

Trillanes ‘di aatras sa hamong debate ni Binay

TULAD ng isang sundalo, sinabi ni Senador Antonio Trillanes na handa siyang makipagbakbakan kay Vice President Jojo Binay sa isang debate tungkol sa kontrobersiyal na Makati Parking Building at mga tagong yaman ng huli.

Sa artikulong pinost ng ANC sa kanilang website matapos kapanayamin ang Senador, matigas na sinabi ni Trillanes na:

“Sa kanyang paniniwala ay lalampasuhin niya ako rito. Pero tayo naman ay sundalo lamang at hindi naman tayo aatras sa ganyang laban.”

Nang tanungin ang Senador kung bakit siya ang hinamon ni Binay se debate sa halip na ang kalaban sa politika na isa ring abogado na si Sen. Alan Peter Cayetano, sagot niya: “Hindi ako ang dahilan kung bakit hindi ito matutuloy. Siguro ang palagay niya ay mahina ako sa debate. Totoo naman na hindi tayo magaling magsalita, hindi naman tayo debater, hindi tayo abogado.”

Pero ang gusto talaga ni Trillanes ay humarap si Binay sa Senate prove matuloy man o hindi ang kanilang debate at patunayan na walang overpriced sa Makati Parking Building at wala siyang itinatagong mga kayamanan tulad ng kanyang mga sinasabi sa media at pag-iikot sa mga probinsiya.

“Whether matuloy itong debate o hindi, tuloy pa rin ‘yung imbestigasyon. Kailangan talaga doon dahil under oath. ‘Yung ibang senador, meron silang ibang katanungan na hindi ko naman maitatanong,” tigas ng ‘Magdalo’ na Senador.

Wala aniyang dapat ipag-alala si VP Binay na siya’y babastusin sa Senate prove.

“Kapag binastos ho namin si Vice President, makikita iyon ng tao, babalik sa amin.” Tama!

Ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang umano’y maghahanda at mamamagitan sa debate sakaling ito’y matuloy.

Sabi naman ng Malakanyang, bahagi ng demokrasya ang debate. Kaya Go! Go Go!

Si Binay ang unang naghamon ng one-on-one debate kay Trillanes. Abangan…

Ang talamak na shabu sa Brgy. South Triangle, Quezon City

– Gandang umaga po. Report ko ang talamak na bentahan ng shabu sa may Brgy. South Triangle, Quezon City lalo na sa kanto ng Scout Borromeo at Scout Tuazon sa kalsada na nag-aabutan ng pera at shabu. Sana mahuli na ang mga tulak dito. – Concerned citizen

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *