Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxas kay Binay: “Tama na ang pasikot-sikot at palusot!”

SA HULING survey ng Social Weather Station (SWS), halos 79 porsiyento o 8 sa 10 Filipino ang naghahangad na humarap si Vice President Jejomar Binay sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at sagutin ang mga paratang sa kanya na korupsiyon.

Dahil dito, hinamon si Binay kahapon ni Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas III na tumugon sa panawagan ng 79 porsiyento ng mamamayang Filipino na tinanong sa SWS survey para harapin niya ang mga paratang na korupsiyon sa Senado.

Nilinaw ni Roxas na kabilang sa 79 porsiyento sa mga tinanong ay mahihirap na Filipino kaya hindi totoong ang mayayaman lamang ang gustong humarap siya sa Senado dahil maging ang mahihirap na sinasabing kinakatawan ng bise presidente ay humihingi rin ng kanyang mga sagot sa kanyang hindi maipaliwanag na kayamanan.

“Huwag na sanang gamitin pa ni VP Vinay ang mahihirap sa kaso ng kanyang korupsiyon,” ani Roxas. “Mismong ang mahihirap nating kababayan ang may gusto na humarap siya sa Senado at managot. Tama na ang pasikot-sikot. Tama na ang mga palusot.”

Nilinaw din sa SWS survey na batay sa socio-economic class, 81 % ng tinanong sa class D o masa, 80 % sa class ABC o mayayaman at 72% sa class E o sobrang hirap ang nagkaisa na dapat humarap si Binay sa pagdinig ng Senado.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …