Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, malaki ang ambag sa political career ni Lucy

WALA na raw munang plano sa politika si Richard Gomez. Palagay namin tamang desisyon naman iyan. Una, marami siyang ginagawang pelikula at maging mga serye sa telebisyon. Mas kikita siya sa kanyang trabaho bilang isang artista kaysa pasukin niya ang politika. Iyang klase naman ni Goma, hindi mo aasahang pumasok iyan sa corruption para pagkakitaan niya ng malaki kung sakaling manalo siya. Sa klase ni Goma, malamang mag-abono pa iyan dahil hindi naman puwedeng hindi tumulong iyan sa ibang mga nangangailangan. Malamang kung ano ang kita niya maibigay pa niya sa mga tao.

Isa pa, this is one time na iba ang naaabot ni Goma pagdating sa sports, at hindi maikakailang mas masaya naman siya bilang isang sportsman. Hindi lang siya nakatutulong sa development ng mga bagong manlalaro, nakapagbibigay pa siya ng karangalan sa bansa. Matatandaang naging consultant din sa sports si Goma noong panahong presidente pa si Erap.

Ang maganda pa riyan napagsasabay niya ang sports at ang showbusiness na hindi niya magagawa kung siya ay magiging involved sa politika. Kaya kung iisipin mo, two against one ang kanyang choice.

Isa pa, nakatutulong din naman siya sa mga kababayan nila kahit na wala siya sa puwesto. Iyon lang ginawa nilang pagbibigay ng mga motorized bancas sa mga mangingisdang nawalan ng bangka noong panahon ng Yolanda, hindi mo masasabing hindi rin si Goma iyon, dahil nakita naman natin naka-ayuda sa kanila ang Bench na signature model si Goma. Malaking tulong si Goma sa kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres Gomez. After all dapat nating alalahanin na naging congresswoman nga si Lucy dahil siya ang naging alternate candidate noong iprotesta ng mga kalaban si Goma. Iyong panalo ni Lucy, kung iisipin mo kay Goma iyon. Dahil iyong mga boto para kay Goma, iyon ang kinikilalang boto rin para kay Lucy.

Bakit pa nga ba iisipin ni Goma ang politika?

Gumagalang aswang sa Batangas, tinawanan lang ni Gov. Vilma

NAKATATAWA naman iyong kuwentong nag-warning daw ang mga pulis sa Batangas na huwag nang lumabas ang mga tao kung gabi dahil sa gumagalang aswang. Nagsimula lang iyan sa internet, tapos pinatulan naman ng lehitimong media. Alam naman ninyo rito sa Pilipinas, iyong mga kuwentong ganyan na napakahirap paniwalaan, iyon ang gusto nila.

Pero natawa nga si Governor Vilma Santos na nagsabing nalaman lang daw niya iyon nang may magsabi sa kanyang nabalita hanggang sa TV ang sinasabing aswang na lumilitaw sa Batangas.

“Nakakita lang ako ng aswang noong gawin ko iyong pelikula kong ‘Darna’,” ang natatawa pang sabi ni Ate Vi.

Oo nga naman, may mga aswang nga pala sa pelikulang iyon, “pero sa totoong buhay, sino ba ang magsasabing nakakita na sila ng aswang face to face,” sabi pa ng gobernadora.

“Ang mahirap diyan iyong kung minsan nauuwi sa violence. Hindi ba minsan may naririnig tayong mga nabubugbog o kaya napapatay pa dahil pinagbintangang aswang. Sana naman huwag mangyari ang ganoon. Basta ang masisiguro ko lang, hindi po totoong may aswang dito sa aming bayan,” ang natatawa na lang na nasabi ni Gob.

Sa panahon nga bang ito may aswang pa?

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …