NAGBARIL sa sarili ang isang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) dahil sa matinding selos sa kanyang ka-live-in sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang biktimang na si Corporal Prince Wilfred Gerona.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakipag-inoman si Gerona sa kanyang live-in partner at isang babaeng kaibigan sa inuupahang apartment sa nabanggit na barangay.
Sa kwentohan, nabanggit ng live-in partner na nagkakagusto sa kanya ang manager sa pinapasukang trabaho bilang sales lady.
Bunsod nito, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa.
Habang nagpapaliwanag ang babae, kinuha ng lalaki ang kanyang baril at nagbaril sa ulo.