Friday , November 22 2024

Perception vs Sevilla ng importers

TILA dahil sa sama ng public image ng Customs noon pa man, gawa nang hindi matigil-tigil na corruption at smuggling, mukhang “extreme bias” ang naging perception ni Commissioner John Sevilla sa mga empleyado at mga trader.

Ang widespread perception laban kay Sevilla, na isang intellectual daw at isang under ng D0F bago siya isinabak sa Bureau bilang commissioner, ang tingin at amoy naman sa kanya ay masyado siyang bias, iyong lason na lason ang isip na talagang “hopelessly” corrupt ang Bureau.

Marahil nga, kaya ipinadala si Sevilla ni Finance Secretary Cesar Purisima upang isalba sa bagin ng massive corruption ang mga taga bureau.

Sa ngalan ng REFORM, sinibak kaagad-agad ang mga district/port collector at itinapon sa isang opisina na mistulang mga clerk sila. Time at 8 am, time out at 5 pm. May mga research na ipinangako raw, pero wala namang ipinagagawa sa kanila na bago sa kanilang panlasa.

Isipan daw na mga senior career officials ang mga itinapon sa CPRO na creation nina Purisima et al. Isang taon na “schooling”doon para magbutas ng mga silya. Sila ay pinalitan ng mga retiradong military general na tumayo bilang “project manager III” na turing naman ng mga knowledgeable official ng Bureau as contractual employees at may one year to spend their time as de facto district collector, unless terminated soon.

Naka-adjust na naman ang mga senior collector, na may CESO (career executive service officer) eligibility. Sila ay mga professional at hindi umalma sa ginawa sa kanila.

Kung ukol naman sa mga importer at mga broker na nagkakaroon ng kaunting problem sa office ni Sevilla, tulad ng follow-up ng mga seizure at alerted shipments. Halos todas na ang mga tulad ng mga kasong ito na nadala sa office ng commissioner. Kaya nga ang tawag ng ilang media men, ang opis ni Sevilla parang isang morgue, naka-freeze ang mga kaso. Hindi rin naglalakas-loo bang mga mga may problema kay Sevilla. Kung hindi sasabihing busy ng mga sycophant niya siya ay nasa miting.

May kahalo pa raw na lecture na ginagawa si Sevilla at talagang playing hard to talk siya na hindi dapat gawin ng mga opisyales tulad ng Customs. Ito ay dahil sa percepion daw ni Sevilla gaya ng pangamba ng mga taga-bureau at mga trader, masyadong bias siya laban sa kanila.

There is no quarrel sa mga trader sa mga reform program ni Sevilla, hindi lang healthy para sa mga negosyante na hinalain silang mga smuggler or corrupt. Kung reform ang ginagawa, okay ito. Kaya lang dapat ay magkaroon ng progress lalo na sa larangan ng revenue collection. Magandang legacy ang tagumpay ng Reform kaya lang it leaves much to be desired. Wala pa nga iyong pinaka-aasam-asam ni Sevilla na Customs Modernization Bill sa Kongreso. Malabo na itong maipasa dahil nga election year na sa 2016.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *