ANG Feng Shui tips at techniques ay napatunayang praktikal at may mabisang epekto sa mga nagpapraktis nito. Ang ilang paraan ay nakapagpabuti sa daloy ng chi sa espasyo at paglinya ng kapaligiran base sa iyong mga pangarap at ninanais. Ngunit, maaari mo pang mapaigting ang resulta ng mga ito sa pamamagitan ng pagiging optimistic sa iyong paggawa ng mga desisyon sa buhay.
Kung ito ay hindi mo ikokonsidera, halimbawa, sa pag-iimbita ng kaperahan sa tuwing pagmamasdan mo ang iyong Feng Shui wealth corner, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng pananaw ay matutulungan ka para matamo ang iyong nais.
Ngunit maaari mong mapatatag ang power ng mind therapy kung ikaw ay gagawa ng responsive effort para baguhin ang iyong thought outlines. Narito ang ilang mga paraan upang lalo mo pang mapalakas ang iyong Feng Shui therapy sa pamamagitan ng pagiging positibo sa iyong mga pinanghahawakang Feng Shui principles sa iyong sarili.
– Palagiang “yes” ang isagot sa bawat oportunidad na darating sa iyo. Kapag may mga taong lumalapit sa iyo, huwag mo silang tatanggihan bagkus ay bigyan sila ng pag-asang sila’y matutulungan mo. Ngumiti at maging friendly sa bawat taong nakikipagkilala sa’yo.
– Magpahayag ng pasasalamat bawat umaga sa lahat ng iyong pagpapalang nakakamit. Sa mga hindi pa dumarating, simulan mo na itong angkinin sa pamamagitan ng pasasalamat na para bang iyo na itong natanggap.
– Isatinig ang affirmative declaration sa bawat paglalagay mo ng Feng Shui object sa suitable triagram. Ito ay upang manatili sa iyong isipan ang iyong mga mithiin, at mahikayat ka sa pakiramdam na ito ay iyo nang nakamtan sa kasalukuyan.