Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lingkis ng sawang may dalawang ulo

Dear Señor H,

May karanasan po aq na naisip ko po i-share, hindo po aq actually naniniwala sa pangitain at ka-sabihan… isang bwan na po ang panaginip ko na lagi po aq nililingkis ng malaking sawa na dalawa ang ulo… habang aq ay naglalangoy sa na pakalinaw na batis… ano po kaya ibig sabihin nun? (09496017037)

 

To 09496017037,

Ang sawa ay nagsasaad ng danger, sin, at overt sexuality. Alternatively, maaaring nagpapakita rin ito ng iyong determinasyon. Maaaring nagpapa-alala ito sa iyo na maging matatag sa mga pagsubok na darating at huwag mawawalan ng pag-asa.

Basically, ang ahas ay nagsasaad ng hidden fears at worries na nagbibigay sa iyo ng labis na alalahanin o pagkabagabag. Alternatively, ang ahas ay maaaring simbolo ng temptation, at ng dangerous at ng forbidden sexuality. Ito ay maaari ring may kaugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo na hindi mo dapat pagkatiwalaan, lalo na ang mga hindi mo pa lubos na kilala talaga. Bilang positibong sagisag naman, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito ay may kaugnyan din sa self-renewal at positive changes. Ang panaginip mo ay nagpapakita rin ng iyong abilidad at kakayahang gawin ang mga karapat-dapat na bagay sa tamang panahon at pagkakataon.

Ang malinaw na tubig o batis ay simbolo naman ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay siyang living essence of the psyche at ng agos ng buhay at enerhiya. Ito ay maaaring nagsasaad din na ikaw ay in tune sa iyong spirituality. Ito ay nagpapakita rin ng serenity, peace of mind, at rejuvenation.

Kapag nanaginip na ikaw ay lumalangoy, ito ay nagsasabi na ginagalugad mo ang aspeto ng iyong unconscious mind and emotions. Ito ay maaaring senyales din ng paghahangad o paghahanap mo ng ilang emotional support. Ito ay kadalasang nararanasan ng mga taong sumasailalim sa therapy.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …