NAGPAPATULOY ang signature campaign kontra pork barrel sa labas ng mga simbahan.
Sa Maynila at Pasay, naglagay ng mga tent ang Church People’s Alliance Against Pork Barrel para hikayatin ang mga nagsimba na lumagda.
Partikular na isinasagawa ang signature campaign sa labas ng simba-han sa Baclaran, Central United Methodist Church sa Taft Avenue, Kalaw; National Cathedral Iglesia Filipina Independiente sa Taft Avenue kanto ng Escoda; at sa Sta. Cruz at Quiapo Church sa Maynila.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), una nang tumugon sa pana-wagan ang Diocese ng Sorsogon, Romblon, Borongan sa Eastern Samar; Kidapawan at San Carlos, at Archdiocese ng Tuguegarao at Cebu.
Ayon kay Biyaya Quizon, convenor ng Church People’s Alliance Against Pork Barrel, anim na milyong lagda ang kanilang kaila-ngan para maisulong ang people’s initiative para sa tuluyang pagbuwag sa pork barrel ng pangulo at ng mga mambabatas.