Friday , November 15 2024

‘Jenny’ pinahirapan bago pinatay – lawyer

PINAHIRAPAN bago pinatay si Jeffrey Laude alyas Jennifer, natagpuang wala nang buhay sa isang lodge sa Olongapo City makaraan pumasok doon kasama si US Marine PFC Joseph Scott Pemberton.

Ito ang naging paglalarawan ni Atty. Harry Roque sa pinagdaanan ng transgender batay mismo sa labi ng biktima.

Una rito, lumabas sa medico legal examination sa bangkay ni Laude na asphyxia caused by drowning o pagkalunod ang ikinamatay ng biktima.

Sa kung ano ang motibo ni Pemberton, sinabi ni Roque na walang makaaalam nito dahil walang nakikipag-ugnayan sa kanya. Nasa kustodiya pa rin ng Amerika ang suspek kahit pa nasa detention facility na siya ng Camp Aguinaldo.

Sa ngayon, ang tanging matibay ay may nakakita sa dalawa na magkasama sa kwarto bago napatay ang biktima, kasunod nito ay natagpuang patay na si Laude.

Ngunit sa kaso ni Laude, may mga physical evidence na maaaring tumayo sa korte.

“The motive, even under our laws po, ay never material po ‘yan, ang importante lang po ay ‘yung intent. Ang intent naman ay pwede mong mapruwebahan do’n sa tindi ng injuries na na-sustain at saka ‘yung circumstances ng case.”

“Nakita naman po natin na matindi ang intent na patayin siya (Laude) dahil hindi lang siya sinakal, nilunod pa,” dagdag ng abogado.

Matinong interpretasyon ng VFA kailangan – lawyer (Sa kustodiya kay Pemberton)

NANINIWALA ang isang abogado na tamang interpretasyon sa Visiting Forces Agreement (VFA) ang susi sa pagkamit ng ganap na kustodiya sa Amerikanong sundalo na nakapatay ng isang transgender sa Olongapo City.

Pangunahing suspek sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer, ang sundalong Amerikano na si Private First Class Joseph Scott Pemberton, nakitang huling kasama ng biktima.

Bagama’t nakapiit na sa Camp Aguinaldo, duda ang marami sa pagkamit ng hustisya lalo’t batay sa pagkakaintindi ng publiko sa umiiral na VFA, awtomatikong nasa US ang kustodiya sa Amerikanong suspek habang nasa Filipinas ang hurisdiksyon sa kaso.

Pinanindigan ni human rights lawyer Evalyn Ursua, abogado ni “Nicole” sa Subic rape case, ang una niyang pahayag na karapatan ng Filipinas ang parehong kustodiya at hurisdik-syon sa banyagang suspek.

“This is following a basic concept in criminal law… kahit saang bansa ka pupunta, hindi lang Filipinas, kung sino ‘yung may jurisdiction, may custody. Kapag sinabi nating criminal jurisdiction, hindi mo pwedeng ihiwalay ‘yun. Balewala ‘yung criminal jurisdiction kung walang custody.”

Bukod sa paninindigan ng mga Filipino, malaking bagay aniya kung magkakaroon ng political will ang ehekutibo sa paggiit kung ano ang tama imbes mag-double talk.

Fiance ni Jenny ‘di makaaalis (Giit ng DoJ)

HINDI pahihintulutang makaalis ng bansa ang German fiance ng pinaslang na transgender dahil dapat muna niyang harapin ang deportation proceedings, pahayag ni Justice Secretary Leila Lima kahapon.

Sinabi ng kalihim, naghain ang Bureau of Immigration ng kasong ‘undesirability’ laban kina Marc Sueselbeck at US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, ang suspek sa pagkamatay ni Jeffrey Laude alyas Jennifer. “He’s now in BI watchlist. He will not be arrested, but he will be given copy of the charge sheet and will be prevented from leaving on account of such charge,” paliwanag ni De Lima.

Nauna rito, inihayag ng abogado ng pamilya Laude na si Atty. Harry Roque, Jr., natakdang umalis dakong 6:30 p.m. kagabi si Sueselbeck lulan ng Malaysia Airlines.

Noong Oktubre 22, si Sueselbeck at kapatid ni Laude na si Marilou ay umakyat sa perimeter fence sa loob ng Camp Aguinaldo upang makapasok sa Mutual Defense Board – Security Engagement Board (MDB-SEB) facility, na pinagkukulungan kay Pemberton.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *