HINDI raw talaga maawat ang pagiging HARI ng mga PEKE ng isang alyas ANTHONY SEE.
Walang katakot-takot at lalong walang kupas. Siya ngayon ang kinikilalang distributor ng lahat ng uri ng peke.
Kumbaga, name any brand and they have it.
At dahil siya nga ang hari ng mga peke, siya rin ang kinikilalang number one distributor sa Baclaran, Divisoria, Greenhills at maging sa Visayas at Mindanao.
Hindi kukulangin sa sampung (10) bodega ng mga pekeng produkto mula China ang pinag-iimbakan niya ng mga produktong may IPR violations.
Ayon sa ilang mga impormante, nariyan lang sa Roligon sa Tambo Parañaque ang kanyang mga bodega.
Ang siste, sandamakmak na ang kailegalan ni alyas Anthony See ‘e siya pa ang mayabang.
Ipinagyayabang na timbrado umano siya sa CIDG at NBI.
Attention Intellectual Property Office of the Philippines (IPOP) director general, Atty. Ric Blancaflor, Sir, mukhang kayang-kaya paglaruan nitong si Anthony See ang batas natin vs peke.
Pakibu-see-si na nga, Atty. Blancaflor!
Universal KTV sa F.B. Harrison na-raid na naman ng PNP-SPD!
FOR the nth time ‘e sinalakay na naman daw ng mga awtoridad ang UNIVERSAL KTV d’yan sa F.B. Harrison malapit sa kanto ng Libertad o d’yan lang sa likod ng main office ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa report ay nailigtas ang 68 kababaihan at isinasailalim pa sa pagsusuri kung ilan sa kanila ang menor de edad.
Isa lang naman ang concern natin dito … sana lang ay totoo ang mga pagsalakay na ito ng PNP-SPD.
At sana ay isunod na rin ang bigtime JUETENG operation ni Joy Rodriguez sa Parañaque City.
Pati na ang Liberty club at Lala Land club sa Roxas Blvd.
Baka kasi katulad lang ito ng mga nakaraang ‘raid’ na OPLAN pakilala lang pala. O padagdag ‘tara’ lang!?
Alalahanin natin na bagong upo lang ang district director ng Southern Police District (SPD) na si Chief Superintendent Henry Ranola.
Hopefully ay hindi ito isang operation pakilala na alam naman nating ‘normal’ sa police operations lalo na kapag bago ang mga opisyal.
Magpa-PASKO pa naman, sana’y maging seryoso ang pulisya sa pagsugpo sa iba’t ibag uri ng ilegal.
Aasahan po namin ‘yan, Gen. Ranola.
Sabwatan ng BI-INTEL at airline employee nabulgar!
Umusok daw ang ilong ni SOJ Leila De Lima nang makarating sa kaalamanan niya ang modus ng pagpapalusot ng mga Bombay sa NAIA Terminal 3.
Agad na ipinag-utos ni Immigration Commissioner Fred Mison na ikulong ang Bombay sa BI Bicutan detention cell kasunod ang isang malalim na imbestigasyon sa Bombay trafficking sa NAIA T3.
Aba’y kung hindi pa natsambahan ng dalawang IO ang Bombay na nagbalatkayo na air traffic controller ay hindi pa mabubulgar ang matagal na raket na ito sa NAIA T-3.
Ayon sa ilang IO na nakausap natin sa T-3, isang BI Intel agent ang itinuro ng dating CepuPac employee na si Ballesteros na nag-utos sa kanya na eskortan ang dalawang Bombay sa halagang P5 libo bawat isa.
Nakalusot ‘yun isang Bombay at minalas na masakote ‘yun isa.
Nakita pa raw sa cellphone ni Ballesteros ang mga exchange of text messages nila ni Intel agent.
Matagal na raw raket ito ng ilang Intel sa T3 na nagpapalusot ng Bombay. Ang singilan umano ngayon ay pumapalo na sa P200 libo pataas kada isang kambing ‘este Bombay.
Nagtataka lang ang mga IO sa T-3 kung bakit hindi namo-monitor ni BI-NAIA Intel head JEROME GABIONZA ang raket na ito gayong sa T-3 pa mismo siya nag-oopisina!?
What the fact!?
SOJ Leila de Lima at Comm. Fred Mison, dapat sigurong isama na rin sa imbestigasyon si Gabulza ‘este Gabionza bago pa magretiro sa katapusan ng buwan!
Better na ipa-lifestyle check na rin ang tinukoy na Intel agent at si Gabionza!
Malalaswang club sa siyudad ni Mayor Edwin Olivarez
KA JERRY, tama ho ang obserbasyon n’yo sa Parañaque, walang ipinagbago. Laganap ang jueteng pati mga nite club gaya ng MAD VOICE KTV, GERKINS, EURO GRILLS KTV, GOLDEN DOVE BAR, D’ DISCOVERY BAR, SPARKLE CLUB, LALA-LAND CLUB AT LIBERTY CLUB na puro mga may gimik na ino-offer sa mga customer. Nakatimbre raw kc ‘yan sa mga tuta ni Mayor. +63918505 – – – –
Pagdami ng mandarambong sa Pinas kasalanan ng bobotante
HAYUP talaga mga mandarambong dito sa lipunan natin, dikit dikit at may mga kaugnay sa bawat isa. Kaya maisusumpa din talaga ung mga bobotanteng nagtataguyod sa mga hayop na lider katulad nila. Nasa matitinong tao na lang talaga kung gusto ng wakasan yang paghahahri ng mga hayup na lider!! Ka tropa Donald ng Tundo!!! +63919665 – – – –
Lifestyle check sa mga pulis na nagpapakilalang kolektor
LIFESTYLE check ng BIR sa mga pulis. Paki-una cla PO2 Diamzon, PO3 Archie Bernabe, na kolektor ng MPD. Slamat. +63921616 – – – –
Motor na Mio Yamaha kinarnap ng barangay officials?
KUYA JERRY pkiimbestigahan po ang barangay chairman sa Mandaluyong City, cla po ang nag-carnap ng motor ko na Mio Yamaha pinarada ko lang noong Oct. 2011 sa tabi ng barangay nang tanungin ko cla wala rw cla alam pro nung August 2014 nasabat ng NCR checkpoint ang mio ko dala ng tanod nila. Inaarbor pa ng chairman sa hepe ng pulis buti di binigay pwede nyo po i- verify sa ANCAR ng Mandaluyong kung totoo ang cnasabi ko. +63932608 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
Jerry Yap