Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di pagdalo ng parents ni Heart sa kanyang kasal, alibi lang?

 

SA guesting ni Heart Evangelista sa morning show ng GMA 7, kinompirma niya na hindi dadalo ang mga magulang niya sa kasal nila ni Sen. Chiz Escudero na magaganap sa February 15, 2015 sa Balesin Island.

“Although ibinigay nila ‘yung blessing na magpakasal, hindi raw nila kayang makita na magpakasal ako,” sabi ni Heart.

“Pero the good news, pinayagan nila lahat ng mga kapatid ko na dumalo. Magkikita na lang kami pagdating ko sa  Manila.

“Okey na siguro kung mahihirapan sila. Ako lang naman siguro ang makakaintindi niyon, so okey lang sa akin. Video na lang ang ipakikita ko,” aniya pa.

Naku, sa katwiran ng mga magulang ni Heart na ayaw lang siyang makita na ikakasal na, na hindi nila matanggap na magkakaroon na siya ng sariling pamilya, halatang alibi lang ito.

Sino ba namang magulang ang ayaw  dumalo sa espesyal na event sa buhay ng kanilang anak? Siguro ang totoo, ay hindi pa rin nila matanggap si Sen. Chiz para kay Heart.

Pero next year pa naman ang kasal nina Heart at Sen. Chiz.  Puwedeng magbago pa ang desisyon ng mga magulang ni Heart at baka maisipan na nilang dumalo sa kasal ng kanilang bunso. Sana nga ay ganoon ang mangyari. Siyempre, gusto rin naman ni Heart na kapiling ang mga magulang sa araw ng kanyang kasal, ‘di ba?

Korina, pinayuhan si Iza na ‘wag muna magpakasal

NAGKITA kamakailan sa isang event sina Korina Sanchez at Iza Calzado. Pinayuhan ng una ang huli.

Sabi ni Korina, “Uy, ang gwapo ng boyfriend mo, at ang ganda ng pet dog n’yo ha? Huwag ka munang magpakasal, ha? Wait until mag-35 ka before getting married. Enjoy your life first. Do everything that you want to do. And freeze your embryo.”

Sundin naman kaya ni Iza ang payo sa kanya ng host ng Rated K!?

Kung sa edad na 35 pa nga mag-aasawa si Iza, baka mahirapan na siyang manganak, ‘di ba?

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …