Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek at Mary Christine, nagkasundo na

TAPOS na ang problema ni Derek Ramsay dahil nagkaayos na sila ng wife niyang si Mary Christine Jolly.

Nakunan ng larawan sina Derek at Mary Christine kasama ang abogadong si Eugene Paras na mayroong caption na ”they finally settled”.

After that, nag-post si Derek ng photo kasama ang anak niyang si Austin na mayroong ganitong caption, ”Today is the happiest day of my life. Thank you for all the prayers. God is good. Love ya austin. #prouddad.”

So, siguro naman ay matatahimik na ang mundo ni Derek na halatang naapektuhan nang husto nang kasuhan siya ni Mary Christine sa korte.

Halikan nina Edgar Allan at Wendell, nakita sa music video ni Ogie

TIYAK na pag-uusapan sa social media ang music video na ginawa ni Ogie Alcasid for one of the shows for Kapatid Network.

Nakita kasi sa music video ang ‘di sinasadyang kiss nina Edgar Allan Guzman and Wendell Ramos. Naglalaro sila ng hose at habang umaagos ang tubig ay pilit na uminom itong si Wendell kaya lang ay sumayad ang lips niya sa labi ni Edgar Allan.

Kuwento ito ng mga pamhinta na ginawan ng music video ni Ogie na ang role ay subaybayan si Edgar Allan na isa ring pamhinta.

Mayroon pang eksenang tila threesome na kuha sa banyo habang magkakasama sina Ogie, Wendell, at Edgar Allan.

Baklang-bakla ang music video at talaga namang nakakaloka ang mga eksena. Sa bandang huli ay nag-cameo pa si Regine Velasquez.

Naku, hindi kaya magkaroon ng problema si Ogie dahil sa controversial music video na isinulat at ipinrodyus niya?

Mga basher ni Carla, sinagot ni Rea

NAIINTINDIHAN namin kung bakit ipinagtanggol ni Rea Reyes ang anak niyang si Carla Abellana laban sa bashers nito.

Ang dami kasing masasakit na salita ang tinanggap ni Carla matapos siyang mag-tweet ng, ”You gotta let negative people live in their negative lil world with their negative opinions & their negative bank accounts.”

Ang daming nam-bash kay Carla.

“mayabang ang dating hinay hinay lang te baka mas mapabilis ang pagbagsak mo,” sabi ng isang guy.

“Omg ang yabang! Hiniwalayan si geoff kasi walang maibigay na bahay, kaya she was flirting with TR. Carla alam mo ba na may karma?” say naman ng isa pang gigil sa aktres.

Ang paniwala ng marami ay si Geoff Eigenmann ang pinatutsadahan ni Carla.

To defend her daughter ay sinabi ni Rea na hindi naman kilala ng mga tao ang kanyang anak para husgahan.

Naimbiyerna siya sa isang follower who told her to ”please teach your daughter @carlaangeline na man that having more money does not mean you are above people. That does not give her the right to look down on other people. I thought she was classy and may breeding. Her true colors are showing.”

“What do you know about Carla. Don’t  believe everything you read and then judge  based on that.  You are DEAD WRONG about her lady,” sagot naman ng mommy ni Carla.

Mayroong nag-comment na kaya todo ang pagtatangol ni Rea kay Carla ay dahil ito ang nagpapakain sa kanila.

Any comment, Carla, Rea?

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …