INIUTOS ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang pagtatalaga ng karagdagang pulis sa walong lugar sa Metro Manila na may mataas na crime rate.
Inatasan ng kalihim si NCRPO Director Carmelo Valmoria na magdagdag ng 1,300 pulissa Masambong Area sa Quezon City; Sampaloc sa Maynila; Pasig City, at Mandalu-yong City.
Sinabi ng DILG chief, dapat gumamit ang district directors ng Geographical Information System (GIS) upang malaman ang mga lugar na kailangang dagdagan ng mga pulis.
Ipinaalala ng kalihim na rotational basis ang gagawing deployment.
Ang hakbang na ito ng DILG ay bilang bahagi sa anti-criminality campaign ng PNP.
Jaja Garcia