Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Construction worker todas sa kagawad

BUENAVISTA, Quezon – Tinadtad ng bala ng barangay kagawad ang isang construction worker kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mabutag ng bayang ito.

Sa ipinadalang report ng Buenavista PNP sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP provincial director, kinilala ang biktimang si Erwin Ortiz ,nasa hustong gulang, pansamantalang nakatira sa nasa-bing lugar.

Habang kusang loob na sumuko sa mga pulis ang suspek na si Gerry Gonzales Centes, 42, barangay kagawad.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 10:30 p.m. kamakalawa nag-iinoman ang biktima at ang suspek kasama ng iba pa nilang kapitbahay nang magtalo ang dalawa sa hindi nabanggit na dahilan.

Pagkaraan ay bumunot ng .38 kalibreng baril ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima na agad ikinamatay ni Ortiz.

Nakapiit na ang suspek sa lock-up jail ng Buenavista PNP.

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …