Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bulldogs inaasinta ang 78th UAAP Season

SARIWA at ninanamnam pa ng national University Bulldogs ang nakamit nilang kampeonato sa katatapos na 77th NCAA basketball tournament pero nakatuon na rin sila agad para sa back-to-back tiltles.

Malaki ang tiwala ni team owner Hans Sy na madedepensahan nila ang kanilang titulo sa men’s basketball sa 78th edition ng UAAP, nilahad niya ito sa victory party ng NU Bulldogs sa Sampaloc, Manila.

“Of course I want two (back-to-back). If they (NU Bulldogs) keep up their focus and momentum, we have a big chance,” ani Sy “Iba-iba lumalabas sa galing ng players namin every game. Mahihirapan mag-scout sa individual players namin mga kalaban if they continue that.”

Kinana ng Bulldogs ang unang titulo sa anim na dekada at pangalawang korona sa pangkalahatan ng kagatin nila ang Far Eastern University Tamaraws, 75-59 sa Game 3 ng kanilang best-of-three series.

Nakasama ni Sy sa victory party sina NU athletic director Junel Baculi at head coach Eric Altamirano at buong Bulldogs na dinaluhan ng maraming estudyante sa mala-piyestang okasyon.

“I’m very much happy, very much happy for the school. Before pinagtatawanan kami. Nababasa ko sa mga newspapers perennial doormat, whipping boys kami. Now we gain the respect and trust of each other. I salute Eric (coach Altamirano),” wika ng operations at engineering & construction divisions head ng SM Group.

Arabela Princess Dawa

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …