SA simpleng paraan idinaan ni Joey de Leon sa Startalk ang wastong pagbigkas pala ng apelyido ng kinoronahang pambato natin sa Miss World to be held in London on December 14, 2014 na si Valerie Weigman.
Sa local pageant kasi televised last October 12, panay ang bigkas ng “way-man” (long “a”) sa first syllable ng last name ni Valerie, when it should be pronounced as “why-man” (long “I”). Valerie, a native of Camalig, Albay, was born to a German father.
Tito Joey should know. Naging segment host kasi ng Juan For All, All For Juan si Valerie ng Eat Bulaga. And having been to Europe, imposibleng hindi nakatapak sa German soil si JDL, bukod pa sa rami ang kanyang nalalaman tungkol sa iba’t ibang lahi.
Kris, ‘hindi nga ba nagbibigay ng financial support sa anak?
HOW decent of Katrina Halili para huwag nang gawing isyu ang umano’y ‘di-pagbibigay ng sustento ng ama ng kanilang anak, ang R & B singer na si Kris Lawrence.
Mismong sa bibig na rin ni Kat nanggaling that she and Kris are officially off. Bukod sa irreconcilable differences na hindi na niya idinetalye ang dahilan ng kanyang pakikipaghiwalay kay Kris, Kat implied na kapwa sila kailangang kumilos to better their lives.
Karaniwan nang dahilan ang pagiging stagnant ng isang pagsasama that results in separation. During their happier times, kapansin-pansing parehong matamlay ang respective careers nina Kat at Kris. Kris, being the provider, did not seem able enough to fend for his mag-iina.
Asked kung nagbibigay ng financial support si Kris, Kat brushed it aside. Huwag na raw gawan ‘yon ng isyu which, to us, was the least any woman could do to also protect the father of the child.
Pero hindi man direktang inamin ng aktres, bingo, nganga si Kat!
Flagship program ng TV5, umeere na!
DUE to insistent public demand, nagsimula nang mapanood nitong Lunes (October 20) ang mga flagship program ng TV5 na The Amazing Race Philippines 2 at Wattpad Presents sa late primetime slots. TARP 2 airs at 9:00 p.m. at sinusundan ng WP at 9:30 p.m. until Friday.
As of press time, sabik na sabik ang mga viewer at fan ng TARP 2 na malaman kung sino ang matatanggal sa ikalawang leg ng karera. In this challenge, nagkakalamat ang teamwork at strategies ng mga koponan. Natunghayan na ng mga manonood ang naganap na trayduran sa mga team sa kanilang unang U-Turn mark na kailangan nilang bumoto ng kalabang team na pababalikin sa naunang detour mark para gawing muli ang isang challenge.
Samantala, tuloy naman ang romantic-comedy TV adaptations ng mga sikat na Wattpad novels sa TV5. Umere na ang much-awaited TV adaptation ng Wattpad love story na Dyepni starring husband and wife Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.
Huwag palampasin ang back-to-back tandem ng reality, action, love at adventure sa bago nitong timeslot gabi-gabi sa TV5.
Ronnie Carrasco