TINIYAK ni Senate Presidente Frank Drilon na kung hindi man maihabol ngayong taon ang panukalang tax exemption sa Christmas bonus ay maipapasa ito sa susunod na taon.
Batay sa kasaluku-yang batas, ligtas sa kaltas sa buwis ang tumatanggap ng christmas bonus nang hanggang sa P30,000.
Ngunit nilalayon ng bagong panuka na itaas ito nang hanggang sa P75,000.
Sinabi ni Drilon, malaking bagay ito para sa mga manggagawa dahil mas malaki ang kanilang take home pay.
Samantala, inihahabol din na maipasa ngayon ng Senado ang pagtaas sa subsistence allowance kada araw ng mga pulis, sundalo, Philippine Coast Guard at sa BJMP.
Mula sa kasalauku-yang P90 kada araw, nais itong itaas ng hanggang sa P150.