Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Susselbeck ideklarang ‘undesirable alien’ (Giit ng AFP)

HINIHINTAY pa ng Bureau of Immigration (BI) ang pormal na hiling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa pagpapa-deport kay Marc Susselbeck, ang German boyfriend ni Jennifer Laude.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang hiling ng AFP ang magiging basehan ng Department of Justice (DoJ) sa kanilang desisyon.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung tinanggap ng AFP ang apology ni Susselbeck ngunit pursigido silang ipadeklarang ‘undesirable alien’ at hindi na papayagang makabalik ng bansa sa hinaharap.

Deportation order useless — lawyer (Fiance ni Laude paalis na )

HINDI na kailangan ang deportation order laban sa German fiancé ni Jeffrey Laude alyas Jennifer dahil paalis na ang dayuhan.

Kasunod ito ng pagpasok ni Marc Sueselbeck at kapatid ng biktima na si Malou nang walang pahintulot sa Camp Aguinaldo at pagpapakita nang kawalan ng respeto sa mga awtoridad nang umakyat sa bakod malapit sa detention facility ng suspek na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Atty. Harry Roque, walang saysay at pagsasayang lamang ang bantang deportasyon dahil hanggang ngayong Linggo na lamang ang pananatili ni Sueselbeck sa Filipinas. Nais lamang aniya ng Aleman na maihatid sa huling hantungan ang karelasyon.

“Huwag na po tayong mag-aksaya ng pera ng gobyerno sa pagpapa-deport sa kanya dahil siya naman talaga ay scheduled na umalis bukas.”

Malamang na hindi umano alam ng mga nagtutulak ng deportasyon ang pinakahuling nangyari sa libing ni Laude nitong Biyernes.

Bago mailibing si Jennifer, dumating aniya ang gobyerno sa wakas partikular mula sa Department of Foreign Affairs at Visiting Forces Agreement ng Office of the President.

“Ito naman hong dahilan kung bakit humupa ang galit ng pamilya at noong necrological service, humingi naman po ng paumanhin itong si Malou at saka itong si Mark.

“At ang pagkakaintindi ko ay lahat po ay naayos na pagdating sa isyung ‘yan (deportation).”

PNoy ayaw mag-sorry sa pamilya Laude

NANINDIGAN ang Malacañang na walang dapat ihingi ng tawad o paumanhin si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa pahayag na hindi dadalo sa burol ni Jennifer Laude dahil hindi sila magkakilala.

Una na rito, binatikos ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang anila’y nakaiinsultong pahayag ni Pangulong Aquino at dapat siyang mag-sorry.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, walang pagbabago sa naging pahayag ng Pangulong Aquino sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) forum kamakalawa.

Ayon kay Coloma, sana igalang ang kanyang saloobin.

Lumalabas din aniya na maliit na porsiyento lamang ang tutol sa pahayag ni Pangulong Aquino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …