Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Presyo ng kandila, bulaklak binabantayan

TITIYAKIN ng Department of Trade and Industry (DTI) na pasok sa suggested retail price (SRP) ang presyo ng kandila at bulaklak sa Undas.

Titiyakin Din ng Consumer Protection Group sa tulong ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bulaklak para hindi masamtala ang bentahan nito.

Kabilang sa mga iinspeksyonin ng DTI ang mga pamilihan sa Maynila at Quezon City para sa presyo ng kandila at bottled water gayondin ang Dangwa Flower Market para sa presyo ng mga bulaklak.

Isasabay na rin ng DTI sa inspeksyon ang mga noche buena items na sunod na paghahandaan ng mga mamimili.

Samantala, sa monitoring kahapon, gumalaw na ng P20 hanggang P40 ang bentahan ng ilang mga bulaklak sa Dangwa.

Tumaas ng P120 mula P80 ang isang dosena ng Malaysian Mumps habang tumalon na sa P200 mula P180 ang Gerbera. Parehong nanatili sa P300 ang isang dosena ng rosas at ang maliliit na flower arrangements na nakalagay sa basket.

Aminado ang mga tindera sa Dangwa na posibleng lumobo pa ang presyo ng kanilang mga paninda sa mismong araw ng Undas.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …