Ang problema ng prostitusyon ay isa sa pinakamatandang problema ng lipunan. Malaking perwisyo at napakaraming problema ang dala nito.
Kaya ang panawagan ko ay magkaisa tayo para labanan ang prostitusyon sa anumang anyo nito.
***
Nitong nakaraang lingo, naging malaking balita yung nangyari sa Subic. Sa bandang akin, kung walang prostitusyon hindi ito mangyayari.
Kaya ako’y nagtataka kung bakit ang atensyon ng mga protesta ay nakatuon sa mga kasunduan ng Pilipinas at Amerika at hindi sa ugat ng problema.
***
Hindi kaila sa atin na ang ugat ng problema at ang prostitusyon dun sa pinangyarihan ng krimen. Ang pagdating ng barkong militar ay hindi ang dahilan dahil puwede rin yun mangyari kahit barkong sibilyan ang dumaong dun sa Subic. Naging incidental na lang na barko yun ng US Navy.
Sa tingin ba ninyo mangyayari yung krimen kung walang prostitusyon na umiiral dun?
***
Ang prostitusyon ay karumaldumal na propesyon. Niyuyurakan nito ang pagkatao ng isang babae. Akalain mong ibenta ba naman ang sariling puri kapalit ng kararampot na pera?
Mas karumaldumal ito kung inyong iisipin na ang isang lalaki at gumastos para palitan ang kanyang kasarian para lamang rumampa bilang isang prostitute.
Hindi tamang pag iisip po ang umiiral sa ganitong kalakaran ayon sa tingin ko.
***
Kaya hindi po tama na akusahan natin ang mga kasunduan sa pagitan ng ating bansa at ng isang bansang kaibigan, o di kaya ang kalagayan ng ating lipunan, para gawing dahilan na merong prostitusyon sa ating bayan.
Ang dapat nating labanan ay ang prostitusyon. Hindi yung mga kasunduan ng estado.
Gerry Zamudio