ANG bedroom ay may iba’t ibang laki at nangangailangan nang tamang pagpwesto at direksyon sa ating mga kama. Nararapat lang na ipwesto nang maayos ang kama depende sa laki ng ating bedroom upang balansehin ang qi aura sa inyong bahay.
Kung ang bedroom ay sapat ang laki, maipapayong i-explore ang espasyong tinataglay nito para pumasok ang good chi, ngunit kung ito ay maliit, maipapayong sundin ang tradiyonal na sistema sa pagpwesto ng kama upang maiwasto at ang Yin at Yang ay dumaloy nang balanse sa lugar.
Ang panahon ng iyong kapanganakan ay may malaking impact sa pag-iimbita ng mga chi. Kung ikaw ay isinilang ng tag-init o summer season, ang kama ay nararapat na nakaharap sa hilaga patungo sa cool moods. Kung ikaw naman ay isinilang ng winter, ang kama ay dapat nakaulo sa timog para sa humid moods. Kung ikaw naman ay isinilang ng spring o fall, mainam na gamitin ang Chinese Pa Che scheme upang malaman ang positibong direksyon ng iyong kama.
Bukod dito, ang ilaw ay hindi dapat nakakabit sa dingding nang direkta sa iyong uluhan. Kung hindi talaga ito maiiwasan, gumamit ng mga bombilyang mababa lamang ang watt average para hindi makaapekto sa iyong kalusugan. Kapag ikaw ay nasobrahan ng liwanag, nagdudulot ito nang pagbaba sa iyong immune system dahilan para bumaba rin ang kakayahan ng iyong senses. Maiging ilayo na lamang ito sa iyong kama kung ikaw ay nakatakdang matulog na.
Lady Choi