Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB parang damit kung magpalit ng coach

LIMANG coaches sa apat na taon!

Ganyan kabilis ang turover ng coaches sa kampo ng an Miguel Beer dating Petron Blaze).

Huling nagkampeon ang koponang ito sa third conference ng 36th season sa ilalim ni Renato Agustin nang talunin nila sa finals ang Talk N Text.

Kahit paano’y masasabing matamis ang tagumpay na iyon dahil sa pinapaboran ang Tropang Texters noon.   At nagtamo pa ng injuries ang ilang key players ng Petron.

Iilan lang ang nag-akalang tatalunin ng Petron ang Talk N Text.

Pero matapos iyon ay hindi na naulit ang tagumpay.

Tumagal pa ng isang taon si Agustin bilang coach ng Petron bago hinalinhan ni Rodericko “Olsen” Racela sa simula ng 38th season.

Pero dalawang conferences lang tumagal si Racela at hinalinhan naman ni Gelacio “Gee” Abanilla.

Biruin mong binitiwan ni Abanilla ang La Salle Green Archers upang hawakan ang Beermen.   Pero nabigo siya. Sa kabilang dako, ang humalili sa kanya bilang coach ng La Salle ay nagtagumpay. Naihatid ni Juno Sauler ang Green Archers sa kampeonato ng UAAP.

Muli ay dalawang conferences din ang itinagal ni Abanilla bilang head coach bago siya pinalitan ni Melchor Ravanes.

Actually, nagtulong sina Ravanes at Todd Purvis sa paghawak ng Beermen.   Pero kahit pa todo ang suporta ng management sa kanila ay wala ring nangyari.

So, sa katapusan ng 39th season ay nagluklok ng panibagong coach ang Beermen sa katauhan ni Leovic Austria .

Hindi naman basta-basta si Leo dahil sa siya ang nagbigay sa Beermen ng Kampeonato sa ASEAN Basketball League.

Pero siyempre, nasa panig ni Austria ang pressure.   Kasi, baka kapag hindi siya nakapag-deliver pagkatapos ng dalawang conferences ay mapalitan din siya!

Kailangang baguhin na niya ang kapalaran ng Beermen!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …