Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PSL dumayo sa Ilocos

DUMAYO sa Sto. Domingo sa Ilocos Sur ang apat na koponan sa Philippine Superliga upang duon maghatawan at ilapit sa masa ang sport na volleyball.

Bukod sa double-header women’s games, magkakaroon ng clinic para sa mga kabataan sa nasabing probinsya.

Pinangalanan na “Spike on Tour” ang nasabing out-of-town kung saan maghaharap ngayong alas dos ng hapon ang Mane ‘N Tail at Petron habang magkatapat ang Generika at RC Cola sa alas 4 ng hapon na gaganapin sa Sto.Domingo Coliseum, Ilocos Sur.

Ilang players mula sa mga teams ng Mane ‘N Tail, Petron, Generika at RC Cola ang mangangasiwa sa PSL Cares volleyball clinic para sa mahigit 100 kabataang elementary at high school players sa University of Northern Philippines

.“The dream is to showcase high level tournaments in the province to promote Ilocos Sur as a sporting hub of the north,” wika ni Gov. Ryan Singson patungkol sa kanyang Gov. Ryan’s Sports program na may temang “One Team, One Dream”.

Dahil sa pareho ng layunin ng PSL naisakatuparan ang pagdayo ng mga spikers sa lugar ng mga ilokanos.

Dalawang beses nang nadala ang aksyon sa labas ng Metro Manila mula nang simulan ito sa nakaraang All-Filipino Conference sa pagdalaw sa Cebu noong Hulyo.

“Spike on Tour is one of the mission of PSL is to bring the sport of volleyball closer to the masses. Kaya nag-align ‘yung programa ni governor dun sa atin kaya natuloy,” ani PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara, na chairman din ng Asian Volleyball Confederation Development Committee.

Arabela Princess Dawa

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …