TULOY ang paghuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pribadong sasakyan na ginagamit ng ‘Uber’.
Ito ang inihayag ni Chairman Winston Ginez bilang tugon sa hiling ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ihinto ang paghuli dahil malaki ang naitutulong ng Uber na nagpo-promote ng carpooling.
Ang Uber ay isang transportation network na maaaring mag-arkila ng mga sasakyan tulad ng mamahaling SUV at limousines ang mga commuter sa pamamagitan ng text message o paggamit ng mobile application. Partikular na nagagamit ang serbisyo ng Uber sa Makati at Ortigas.
Giit ni Ginez, kolorum na maituturing ang mga sasakyan ng Uber na nirerentahan ng mga commuter sa pamamagitan ng text message o ng paggamit ng mobile application dahil wala itong prangkisa.
Jaja Garcia