Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malaswang retrato ng gob at kabit kumalat na sa internet

NAGA CITY – Kumakalat na sa social media ang mga retrato ni Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado at ng 28-anyos na sinasabing kanyang mistress.

Pinaniniwalaang pasado 6 a.m. kahapon nang i-post sa social media ang tatlong larawan ng isang lalaki at isang babae na nasa “romantic moment.”

Isinusulat ang balitang ito ay mahigit 1,254 ulit nang nai-share ang nasabing larawan na may 674 likes at mahigit 500 comments mula sa iba’t ibang tao, karamihan mga taga-Camarines Norte.

Magugunitang sa paglitaw sa publiko ni Josie Tallado ilang araw makaraan mapabalitang siya ay nawawala, tahasang sinabi ng ginang na kaya siya nagalit sa mister ay dahil sa nakita ni-yang mga larawan ng kanyang asawa at ang babae ng gobenador.

Bukod pa rito ang pagkakaroon aniya ng sex video ng asawang gobernador.

Una na rin sinabi ni Josie na isa siya sa mga pinagbintangan ng asawa nang unang lumabas sa social networking site ang mga larawan, na naging dahilan ng kanilang pag-aaway at nauwi pa sa pananakot sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …