Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawa arestado bilang bogus army officials

ARESTADO ang mag-asawang nagpanggap na mga opisyal ng Philippine Army, sa operas-yon nang pinagkasanib na pwersa ng Rizal PNP at mga tauhan ng Cri-minal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni Supt. Robert Baesa, hepe ng Rodriguez PNP, ang mga suspek na sina Danilo at Romina Datu, kapwa nasa hustong gulang, at nakatira sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan.

Dakong 1:20 a.m. nang dakpin ang mag-asawa na nagpapanggap na major at captain ng Philippine Army sa Brgy. San Jose sa naturang lugar.

Nakompiska mula sa mga suspek ang tatlong baril, mga bala, gamit sa paggawa ng mga pekeng ID, dry seal, sample ng mga ID, mga sulat, mission order at uniporme ng Army.

Ayon sa ulat, nagre-recruit ang mag-asawa ng mga nais maging intelligence operatives.

Mariing itinanggi ng mag-asawa na nagpapanggap silang mga opis-yal ng military ngunit aminadong gumagawa sila ng pekeng ID.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng illegal possession of firearms and ammunitions at usurpation of authority.

Aalamin din ng mga awtoridad kung miyembro ng sindikato ang mag-asawa.

Ed Moreno/Mikko Baylon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …