NAKAUSAP din namin sa Araneta ang Kapuso star na si Jackie Rice na nanood naman ng laro ng Rain or Shine at San Miguel Beer.
Ayon kay Jackie, wala pa siyang bagong teleserye mula sa GMA at napapanood pa rin siya sa Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi.
Katunayan, masaya si Jackie sa kanyang exposure sa Bubble Gang na nagdiriwang ng ika-18 taon sa ere.
“Kahit wala na si Kuya Ogie (Alcasid), going strong pa rin kami sa ‘BG’,” say ni Jackie. ”Close ang bonding ko with the other girls like Sam Pinto, Gwen Zamora, Andrea Torres and Max Collins.”
James Ty III