Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra vs. Kia sa Lucena

KAKALISKISAN ng Barangay Ginebra ang expansion team Kia Sorento sa kanilang pagtatagpo sa PBA Philippine Cup mamayang 5pm sa Quezon Convention Center sa Lucena City .

Kapwa nagwagi ang Gin Kings at Sorento sa kanilang opening day assignment noong Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Talk N Text, 101-81 samantalang dinaig ng Kia ang kapwa expansion team na Blackwater Elite, 80-66.

Inaasahang mamamayagpag ang mga higanteng sina Japhet Aguilar at Gregory Slaughter laban sa big men ng Kia.

Si Aguilar ay gumawa ng 21 puntos kontra Talk N Text at nagdagdag ng 16 si Slaughter.

“We’re lucky to get a good performance from everyone, guys were cheering each other, guys weren’t putting their heads down when they make a turnover, so those are the little things that means our chemistry is improving,” ani Barangay Ginebra head coach Jeffrey Cariaso.

Ang iba pang Gin Kings na nagtala ng double figures sa scoring ay sina Mac Baracael na gumawa din ng 16, Mark Caguioa na nagtala ng 12 at Jayjay Helterbrand na nag-ambag ng 10.

Masagwa naman ang naging umpisa ng Kia Sorento dahi nilamangan ito ng Blackwater Elite, 34-25 sa halftime. subalit nagbago ang ihip ng hangin sa second half.

Gumawa ng 14 sa kanyang game-high 23 puntos sa third quarter ang sophomore na si LA Revila upang pamunuan ang pagbabalik ng koponang hawak ni playing coach Manny Pacquiao.

Hindi na muna lalaro o makakasama ng Sorento si Pacquiao na pagtutunan ang paghahanda para sa kanyang susunod na boxing match.

Ang hahawak muna sa Sorento ay ang kanyang assistant coach na si Glen Capacio.

Laban sa Blackwater Elite ay nagtala ng tig-13 puntos sina Hans Thiele at Reil Cervantes . Ang point guard na si Rudy Lingganay ay nagdagdag ng 11 puntos at limang assists.

Ang susunod na out-of-town game ay magaganap sa Nobyembre 8 sa Tubod, Lanao del Norte kung saan maghaharap ang San Miguel Beer at NLEX.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …