MAGANDANG araw po sir Jerry! Kami po ang mga taga-Sitio Kubuhan Dasmariñas Cavite na humihingi ng inyong tulong bilang kayo po ay nasa media. Kami po ay dumaranas ng kaguluhan at harassment mula sa isang kompanya na ‘di umano ay nagmamay-ari ng lupa na kinatiti-rikan ng aming mga tahanan. Noong March 26, 2013 isa po sa aming kasamahan ay 3 beses na tinabunan ng lupa gamit ang backhoe. (Ala-Maguindanao in Sitio Kubuhan sa youtube). Sa ngayon po 17 sa aming mga kasama ay kinasuhan na ng “unlawful detainer” at 6 po ang may kaso ng “grave coercion.” Sa kabila po ng usaping ito sa korte ang PA Alvarez Deve po ay patuloy pa rin sa pagsasagawa ng mga hakba-ngin tulad ng aming dinaranas ngayon. Hinuhukay po ng backhoe ang lupa sa tabi ng bahay na sobrang lalim at napakadelikado na po para sa mga nakatira doon. Lalo na po ngayong panahon ng tag-ulan lumambot po ang lupa dahilan upang gumuho ang bakod ng isa sa mga nakatira roon.
40 na mga armadong guwardiya po ang ngayon po ay naka-deploy dito sa aming lugar at pawang mga de kalibreng baril tulad ng automatic shotgun at 9mm.ang mas nakakalungkot pati pulis ng dasmarinas cavite na dapat sana ay magprotekta at maglingkod sa taong bayan hindi sa iisang tao lamang ay nagawa pang pamunuan ang isang demolisyon na naganap noong Oct. 10 2014. Limang (5) bahay po ang walang awa nilang giniba at isa po roon ay may mga batang natutulog, walang awa nilang tinanggal ang bubong. Gayung WALA silang dalang “court order.” Wala rin pong abiso na sila ay gigibain na sa araw na iyon . Nakiusap ang mga tao sa pulis na huwag munang gibain dahil wala pang malipatan ang sagot po ng pulis ay ”pera-pera lang ang labanan dito.”
Nawa po ay mabigyan ninyo ng pansin ang aming abang kalagayan. Ayaw na po na-min maulit ang aming naranasan noong nakaraang taon. Kalakip po nito ang mga kuha sa aktuwal na kaganapan. Maraming salamat po at kami po ay umaasa na kami ay inyong matutugunan. GOD BLESS US ALL! Itago po n’yo email-add ko dahil delikado na po kami rito.